BI, NAGBABALA KONTRA PEKENG SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
- Published on October 7, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) hinggil sa paglaganap ng mga pekeng social media accounts sa Facebook ang mga larawan at impormasyon ng kanilang mga empleyado gamit ang official seal ng ahensiya upang mahikayat ang publiko na makipagtransaksyon sa kanila.
Ginawa ni BI Commissioner Norman Tansingco ang babala kasunod ng mga ulat na ginagamit ng mga scammers ang social media accounts na nagpapanggap silang mga empleyado ng ahensiya.
“These scammers reportedly disguise as immigration lawyers and legal officers. They create profiles using photos of our employees, their badges, and even the logo of the bureau,” ayon kay Tansingco .
Kasunod nito, ipinaalala ni Tansingco sa lahat ng empleyado na makipag-transaksiyon sa labas ng pasilidad o tanggapan ng ahensiya.
“There have been reports in the past where fake social media profiles have fueled scams and have gotten people duped out of money,” ayon pa Tansingco.
Ikinadismaya rin ni Tansingco ang paglaganap ng bilang ng mga pahina ng social media. “It is illegal to assume the identity of others, more so to demand money from anyone using the government’s name,” sinabi ni Tansingco. “The BI strongly warns the public against internet acquaintances. Remain keen to avoid being victimized,” dagdag pa nito.
Nakipag-usap na rin sila Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang upuan ang isyu na nakakaapekto sa operasyon ng BI.
Pinapayuhan ang publiko na tumawag sa BI’s hotline (02) 8465-2400, o sa kanilang BI social media page sa www.facebook.com/officialbureauofimmigration. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
ABS-CBN nagbayad ng P71.5-B buwis sa loob ng 17 taon – exec
Aabot ng ilang bilyong piso na buwis ang ibinayad ng ABS-CBN sa pamahalaan sa loob ng 17 taon, ayon sa isang opisyal ng kompanya. Sa pagdinig sa Kamara, sinabi ni ABS-CBN Group chief financial officer Ricardo Tan na mula 2003 hanggang 2019, aabot ng P71.5 billion ang buwis na ibinayad ng kompanya sa pamahalaan. […]
-
Pinost ang selfie after na mapanood sa musical play: LEA, isa sa iniidolo ng bida ng ‘Young Sheldon’ na si IAIN ARMITAGE
BIG fan pala ng West End and Broadway star Lea Salonga ang bida ng US comedy series na ‘Young Sheldon’ na si Iain Armitage. Pinost ni Iain sa social media ang selfie niya kasama si Lea at Bernadette Peters after niyang mapanood ang West End musical na ‘Stephen Sondheim’s Old Friends’. […]
-
NCAP: Magandang konsepto subalit kailangan baguhin, dapat repasuhin!
ISANG dating opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nagsabing hindi siya ayon sa mga mungkahi na tanggalin ang pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) sa mga pangunahin lansangan sa Metro Manila. Ang bagong elected na Rizal Rep. Jojo Garcia at dating MMDA general manager ang hindi sumasangayon na alisin ang NCAP […]