Pangako ni PBBM, susuportahan ang karapatan ng mga mamahayag
- Published on October 7, 2022
- by @peoplesbalita
NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na susuportahan at poprotektahan ng kanyang administrasyon ang karapatan ng mga mamahayag sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Tinukoy ng Pangulo ang kanyang kahandaan na pakinggan ang lahat ng hinaing ng mga ito.
“Under my lead, we will support and protect the rights of the media as they efficiently perform their duty. Whatever difficulties we may encounter from this point on, the government will always be ready to lend an ear and to listen to your concerns and to answer all that you may want to know,” ang bahagi ng talumpati ng Pangulo sa idinaos na President’s Night na inorganisa ng Manila Overseas Press Club sa Sofitel Plaza sa Pasay City.
Ang nasabing event ay dinaluhan ng mahigit sa 400 media professionals at top executives ng mga malalaking kumpanya sa bansa.
Batid ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga mamamahayag sa paghulma ng aktibong mamamayan na nakapag-aambag sa pag-unlad ng lipunan.
“The nation counts on media in improving access to information and increasing awareness on issues that affect our country and the world,” wika ng Pangulo.
Tinukoy din ng Chief Executive ang kahalagahan ng ”proactive participation” ng media na panatilihing ipabatid sa mamamayan ang “forms part of our collective goal to empower Filipinos and establish a more robust Philippines.”
Nangako rin ang Pangulo na ipaaalam niya sa mga miyembro ng media ang plano ng kanyang administrasyon.
“As I share your club’s conviction in the importance of upholding the universal right of free speech and press freedom, as well as giving and receiving accurate information, I’m committed to remain open with you, constantly communicating our progress as we move forward,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang mga mamahayag na epektibong iparating sa publiko ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan at inisyatiba nito tungo sa pag-unlad ng bansa.
“It is the job of our media practitioners to not only analyze, not only give their opinion, but to also inform and let our people know what the government is doing and how it will help their lives, and how they can be part of that process of progress that we have started,” aniya pa rin.
Sa halip na maging lider, magiging katuwang rin aniya siya ng mga mamahayag sa pagsisikap na pamunuan ang bansa na mapagtanto ang “shared aspirations” nito.
Sa nasabi pa ring event, inulit ng Punong Ehekutibo ang panawagan nito na pagkakaisa tungo sa pag-unlad at pagbuti ng buhay ng mga filipino.
“Unity remains one of the primary driving forces in pursuing economic recovery,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)
-
5 hanggang 6M doses ang ituturok ngayong Marso
SINABI ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na bumababa na ang vaccination numbers sa bansa. Sa katunayan, 5 hanggang 6 na milyon na COVID-19 vaccine doses na lamang ang ituturok ngayong Marso. Iniulat ni Galvez sa Chief Executive ang patuloy na pagbaba ng vaccination rate simula pa noong Nobyembre 2021. […]
-
Substitute bill para sa proteksyon ng mga turista at pinag-ibayong serbisyo, aprubado
Inaprubahan ng House Committee on Tourism ang substitute bill sa apat na panukala na naglalayong bigyan ng proteksyon at pinag-ibayong serbisyo ang mga turista. Ito ay House Bill 1206 ni Rep. Juan Miguel Macapagal Arroyo, HB 3684 ni Rep. Jake Vincent Villa, HB 3954 ni Rep. Alfred Vargas at HB 4839 ni Rep. Francisco […]
-
Nabiktima nang i-prank call sa paglipat sa GMA: PIOLO, sinabihan si BEA ng ‘Adik ka. Yun na yun?!’
TAGUMPAY ang prank calling ni Bea Alonzo sa kanyang kapatid na James at sa mga kaibigan, na kinabibilangan nina Kakai Bautista, Mark Nicdao, Piolo Pascual at Vice Ganda. Last April Fool’s Day, nasa bahay lang daw si Bea at walang magawa. At mag-check siya sa comment section ng YouTube channel may suggestion na […]