Substitute bill para sa proteksyon ng mga turista at pinag-ibayong serbisyo, aprubado
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
Inaprubahan ng House Committee on Tourism ang substitute bill sa apat na panukala na naglalayong bigyan ng proteksyon at pinag-ibayong serbisyo ang mga turista.
Ito ay House Bill 1206 ni Rep. Juan Miguel Macapagal Arroyo, HB 3684 ni Rep. Jake Vincent Villa, HB 3954 ni Rep. Alfred Vargas at HB 4839 ni Rep. Francisco Jose Matugas II.
Pinangunahan ni Bohol Rep. Edgar Chatto ang TWG na bumalangkas sa panukala, na nagsabing ginamit nila bilang working template ang HB 4839 sa kanilang pagpupulong.
Sa paliwanag ni Matugas sa kanyang HB 4839, sinabi niya na layunin ng panukala na tugunan ang mga pag-aalinlangan ng mga turista na nagnanais bumisita sa bansa, sa mga usapin hinggil sa kakulangan ng mga mapagkakatiwalaang pasilidad ng telekomunikasyon, ang pananaw na ang bansa ay hindi ligtas na lugar para sa mga turista, at mga balitang pinagkakakitaan umano ng husto ng mga lokal ang mga turista.
Ang substitute bill ay mag-aamyenda sa Republic Act 9593 o ang “Tourism Act of 2009.” Sinabi ni Chatto na layon ng substitute bill na magtatag ng Tourist Protection and Enhanced Services Inter-Agency Task force na pamumunuan ng kalihim ng Kagawaran ng Turismo. (ARA ROMERO)
-
Deadline ng SIM registration, sa Abril 26
NILINAW kahapon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng National Telecommunications Commission (NTC) na ang deadline ng SIM registration, na Abril 26, 2023, ay alinsunod sa itinatakda ng batas. Matatandaang ang mandatory SIM registration ay nagsimula noong Disyembre 27, 2022 at magtatagal lamang ng 180 araw o hanggang Abril 26, 2023. […]
-
P4.5 trilyong national budget pirmado na ni Duterte
Nilagdaan na kahapon, Dec 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.5 trilyon national budget para sa 2021. Sumaksi sa paglagda ng 2021 General Appropriations Act ang ilang lider ng Senado at House of Representatives. Nakapaloob din sa GAA ang alokasyon para sa COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P72.5 bilyon. Nasa P2.5 bilyon […]
-
Irving isinusulong na gawing logo ng NBA si Bryant
Desidido pa rin si Brooklyn Nets star Kyrie Irving na dapat ipalit si Kobe Bryant sa logo ng NBA. Kabilang kasi si Irving sa inilunsad na petition noong 2020 ng pumanaw ang Los Angeles Lakers star sa helicopter crash kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa. Sinabi ni […]