Bagsik ng Gilas Pilipinas ilalabas sa FIBA Qualiiers
- Published on November 27, 2020
- by @peoplesbalita
Sa kabila ng batang lineup, asahan ang isang palabang Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qualifiers na aarangkada bukas sa Manama, Bahrain.
Bahagi ng program ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang magpadala ng batang lineup sa mga international tournaments.
At naniniwala ang lahat na hindi bibiguin ng Gilas Pilipinas ang buong sambayanan dahil inaasahang lalabas ang bangis nito laban sa Thailand.
“Everybody is raring to go. Mga bata eh so I guess the energy, the passion of the youth. Tab (Baldwin) was saying it’s very inspiring to see these young men carry our flag in such a very unusual period of tournaments,” ani SBP president Al Panlilio.
Sa katunayan, isa ito sa pinakabatang lineup ng Gilas Pilipinas sa isang Asian-level tournament.
Subalit hindi ito basta-bastang Gilas Pilipinas dahil gigil ang bawat miyembro nito na patunayan ang kanilang kakayahan.
Pinakabeterano sina Isaac Go, Matt Nieto, Juan Gomez de Liaño, Kobe Paras at Dwight Ramos dahil dati na silang naging bahagi ng Gilas Pilipinas.
Kaya naman ibinahagi ng apat ang magandang karanasang kanilang natutunan sa Gilas Pilipinas sa kanilang mga bagong katropa.
Makakasama ng limang beterano ang baguhang sina Mike Nieto, Javi Gomez de Liaño, Rey Suerte, Jaydee Tungcab, Justine Baltazar, Dave Ildefonso, William Navarro, Calvin Oftana at Kemark Carino.
Baguhan sa international competition ngunit malalim ang kanilang karanasang natutunan sa college teams na inaasahang dala ng bawat isa sa qualifiers.
-
Lalaking nangholdap at nanakit sa estudyante sa Valenzuela, timbog
BALIK-SELDA ang isang lalaki matapos holdapin at saktan pa ang 18-anyos na babaeng estudyante nang pumalag ang biktima sa Valenzuela City. Kinilala ni P/Col. Allan Umipig, Officer-in-Charge (OIC) ng Valenzuela City Police ang suspek na si alyas Ramos, 29, ng Road 5, Hagdang Bato, Brgy., Marulas. Sa imbestigasyon ni […]
-
Libreng sakay ng MRT-3 malaking ginhawa para sa mga APORs
Menos gastos at maginhawang biyahe ang dulot ng libreng sakay ng MRT-3 para sa mga bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APORs), sa nagpapatuloy ng nasabing programa ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR. Ayon sa mga bakunadong APORs, malaki ang naititipid nila sa libreng pamasahe araw-araw at magmula noong August 21. […]
-
“Harold and the Purple Crayon” Comes to Life in a New Fantasy Comedy Film
EXPERIENCE the magic of imagination as “Harold and the Purple Crayon” comes to life in a new fantasy comedy film starring Zachary Levi. Discover a world of adventure when it opens in Philippine cinemas on August 21. Countless families have cherished Crockett Johnson’s Harold and the Purple Crayon since […]