• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P50K multa ni Chot!

May katapat na multa ang ginawang pagsugod at pagkompronta ni TNT Tropang Giga coach Chot Reyes sa technical committee at pagmumura matapos ang kanilang 92-94 kabiguan sa Magnolia sa 2022 PBA Commissioner’s Cup noong Miyerkules.

 

 

Pinatawan si Reyes ng PBA Commissioner’s Office ng multang P50,000 dahil sa kanyang naging reaksyon sa officiating.

 

 

Hindi naitago ng nine-time PBA champion coach ang kanyang galit matapos pituhan ng referee ng foul si Tropang Giga forward Calvin Oftana dahil sa tangkang pagtapik sa bolang hawak ni Hotshots’ guard Paul Lee.

 

 

Ang nasabing foul ang nagresulta sa dalawang free throws ni Lee sa huling 4.3 segundo para sa pagtakas ng Magnolia sa TNT.

 

 

Matapos kamayan si Hotshots’ mentor Chito Victolero ay kaagad sumugod ang 59-anyos na si Reyes sa technical committee table para iprotesta ang nasabing foul kay Oftana.

 

 

Kinailangan siyang awatin ng kanyang mga assistant coaches bago napakalma ni deputy commissioner Eric Castro, su­balit paglabas ng kanilang dugout ay ilang beses itong nagmura.

 

 

Kinatigan din ng PBA Commissioner’s Office ang itinawag na foul kay Oftana dahil ang tumawag na referee ay nasa tamang anggulo.

 

 

Bukod kay Reyes ay pinagmulta rin si TNT team manager Jojo Lastimosa ng P20,000 dahil sa pagsama niya sa pagsugod ng kanilang head coach sa table officials.

 

 

Naglaro ang Tropang Giga na wala sina injured Jayson Castro, Mikey Williams, Glenn Khobuntin at Poy Erram ngunit nakapagtayo pa rin ng 13-point lead sa likod ni import Cameron Oliver na kumamada ng 43 points at 16 rebounds.

Other News
  • Nadal at Federer magsasanib puwersa sa Laver Cup

    NAKATAKDANG magsama sa iisang koponan ang mga tennis star na sina Roger Federer at Rafael Nadal.     Nasa Europe team ang dalawa na makakalaban ang ibang mga bansa sa ikalimang edisyon ng Laver Cup.     Hindi naman katiyakan kung makakapaglaro ang 40-anyos na si Federer dahil sa tagal ng hindi pagiging aktibo mula […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 21) Story by Geraldine Monzon

    SABAY NA  napalingon sina Angela at Bernard kay Janine na nakangiti sa kanila.   “Janine, hija, sila ang aking mga apo, si Bernard at ang pinakamamahal niyang asawa na si Angela.”   Nakangiting iniabot ni Janine ang kamay niya sa dalawa na magiliw namang tinanggap ni Angela at pagkatapos ay ni Bernard.   “Hello po! […]

  • Malakanyang, umapela sa publiko na sundin na lang ang naging pasya ng Metro Manila Mayors ukol sa pagbabawal ng outdoor exercises

    UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na sundin ang anumang napagdesisyunan ng Metro Manila Council (MMC) na may kinalaman sa “no outdoor exercise” sa mga lugar na naka- Enhanced Community Quarantine (ECQ) gaya ng National Capital Region (NCR).   Ang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque,  ang mga alklade Rin naman ang nagpapatupad ng IATF resolutions. […]