Apela ni Fernando sa mga kontratista: “Ibahin hindi lang isa kundi lahat ng anim na rubber gates ng Bustos Dam”
- Published on October 10, 2022
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Sa kanyang pulong kamakailan kasama ang National Irrigation Administration, muling sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando ang kanyang hiling sa mga kontratista ng Bustos Dam na huwag lamang kumpunihin ang nasirang rubber gates sa Bay 5 kundi palitan ito ng anim na bago at may mataas na kalidad ng materyales.
“Dapat lamang palitan ang lahat ng rubber gate sapagkat hindi nasunod ang specification ayon sa nagpakasunduang materyales tulad ng nakasaad sa kontrata ng NIA. Bakit naman po mababang kalidad ng mga materyales ang ginamit sa rehabilitasyon ng Bustos Dam sa kabila ng malaking pondong inilaan dito?” ani Fernando.
Inihayag pa niya na noong bumagsak ang mga rubber bladder sa kwalipikasyon ng third-party testing ng isang kumpanyang Australyano, lalo nitong pinatunayan na mababa at kulang ang kalidad ng mga materyales na ginamit.
Tinawag ni Fernando ang sitwasyon bilang “an accident waiting to happen” bilang pagsasaalang-alang sa mga pag-aaral at ulat na nagpapakita na libong buhay at bilyong piso ang nakataya dito.
Idineklara ng gobernador ang kasalukuyang kondisyon ng Bustos Dam na kahalintulad sa sanhi ng kamatayan ng limang tauhan ng Bulacan Rescue sa San Miguel na ayon sa police report ay “nalunod sila nang bumigay ang pader na nagpakawala ng rumaragasang tubig”.
“Hindi po ako titigil hangga’t hindi natitiyak ang mga maliwanag at konkretong hakbang upang mabilisan at permanenteng masolusyunan ang problema na ito. Gusto kong makatiyak na ang Bustos Dam, at ang lahat na ating dam sa lalawigan ay nakatutugon sa mahigpit na pamantayan ng kaligtasan,” dagdag pa niya. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
738 iskul ipinagpaliban pagbubukas ng klase
MAAANTALA ang pagbubukas ng klase ng 738 public schools sa apat na rehiyon sa bansa na itinakda sa Hulyo 29 (Lunes) bunsod ng mga pinsalang idinulot ng Habagat at bagyong Carina, ayon sa Department of Education (DepEd). Inihayag na rin ni DepEd Secretary Sonny Angara na hindi niya pipilitin na magbukas ng klase ang mga […]
-
Pag-lockdown sa Maynila dahil sa COVID-19, premature-DoH
PREMATURE pa kung ituring ng Department of Health (DoH) kung kailangan nang i-lockdown ang Maynila matapos na mapaulat na di umano’y mayroon nang sampung bagong kaso ng COVID-19 sa bansa at sa kabuuan ay 20 katao na ang tinamaan ng virus. Sa Laging Handa briefings a New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi ni […]
-
Mamamayan, pinag-iingat ng CBCP sa tag-ulan
MULING hinikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care ang publiko na panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran ngayong tag-ulan. Ayon kay CBCP-ECHC executive secretary, Camillian Fr. Rodolfo Vicente “Dan” Cancino, na ngayong tag-ulan ay inaasahan na rin ang unti-unting pagpasok ng La Niña Phenomenon kung saan higit na mararanasan […]