• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-lockdown sa Maynila dahil sa COVID-19, premature-DoH

PREMATURE pa kung ituring ng Department of Health (DoH) kung kailangan nang i-lockdown ang Maynila matapos na mapaulat na di umano’y mayroon nang sampung bagong kaso ng COVID-19 sa bansa at sa kabuuan ay 20 katao na ang tinamaan ng virus.

 

Sa Laging Handa briefings a New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III ay sinabi nito na kabilang sa protocol ang pag-lockdown sa Maynila.

 

Subalit, iyon nga lamang ay premature pa kung gagawin na kaagad ito ngayon ng pamahalaan.

 

Makabubuting maghintay muna hanggang ang mga ebidensiya na mayroong community transmission at ito ang magiging dahilan para isailalim sa community lockdown o community quarantine na isa sa mga intervention na sumasalamin sa kanilang protocol para sa kanilang four-door responsed strategy.

 

Mayroon ding opsyon na isuspinde ang klase at trabaho, at siguraduhing mayroong pagdating sa paghahanda sa panig ng apektadong rehiyon, LGUs at uniformed personnel ng military at PNP para tulungan at local chief executives, local health officials sa apektadong komunidad.

 

“These are some of the options being considered but it might be premature at this point,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang banda, kailangan naman aniyang igalang ang desisyon ng local chief executive para suspendihin ang klase at iyon ay kailangang sundin.

 

Samantala, walang nakikitang dahilan ang Malakanyang para magsuspinde ng pasok sa mga tanggapan ng pamahalaan sa ngayon. Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, wala ring magiging pagbabago sa mga nakatakdang aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng pagdami ng kumpirmadong kaso ng COVID-19.

 

Hinikayat naman nito ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), ang mga kapwa mga employers at manggagawa na magkaroon ng bukas na komunikasyon at kasunduan para sa alternatibong paraan ng pagtatrabaho.
Ito anila ay upang maiwasan o mabawasan ang panganib ng mga manggagawa na malantad sa COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • Isko at Honey naghanda vs Delta variant

    Upang mapigilan ang pagdami at paglawak pa ng mga posibleng dapuan ng COVID-19 Delta variant ng COVID-19 ay puspusan ang ginagawang hakbang at paghahanda nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna para mapigilan ito.     Ayon sa negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing, nakita niya ng […]

  • 4 drug suspect timbog sa P8M shabu at baril

    PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/Maj. Gen. Debold Sinas ang North- ern Police District (NPD) matapos makakumpiska ng higit sa P.8 milyon halaga ng shabu at isang baril sa apat na drug personalities na naaresto sa buy-bust operation sa Valenzuela City.   Ang pagkakaaresto sa mga suspek na si Reynaldo Mabbun, […]

  • Ads June 20, 2022