• April 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

800,000 license plates ilalabas ng LTO

ANG Land Transportation Office (LTO) ay nagbigay ng target na makapaglalabas sila ng 800,000 na pairs ng license plates bago matapos ang taon.

 

 

Mayroon mahigit na 13 million ang backlog ng LTO sa paggagawa ng license plates ng mga sasakyan. Ito ay ayon sa official na report ng ahensya.

 

 

Ayon sa LTO ang backlog ng license plates para sa four-wheeled motor vehicles ay umaabot na ng 2.3 million pairs. Hanggang noong Oct 5 ay nakapaggawa ang LTO ng 337, 607 na pairs lamang.

 

 

Sa mga motorcyles naman, ang backlog ay tinatayang 11.5 million license plates. Ayon sa nasabing bilang, may 5.89 million ay para sa replacement ng lumang license plates habang may 5.6 million naman ay para sa mga bagong rehistro na mga sasakyan.

 

 

“The LTO will be able to clear the backlog in license plates by 90 percent by December 2023 if budget is available. The LTO’s plate-making facility in Quezon City is implementing extended hours and shifting of personnel to keep with the demand,” wika ni LTO assistant secretary Teofilo Guadiz.

 

 

Ayon sa LTO, ang Department of Budget and Management (DBM) ay nagbigay ng approved budget na P4.7 billion upang matugunan ang backlog subalit mababa pa rin sa kanilang hiningi na budget na P6.8 billion.

 

 

Samantala, nilinaw ng LTO na hindi nila tatanggalin ang kanilang online portal na ayon sa kanila ay ginagamit ng mga fixers para sa pagkuha ng renewal ng drivers’ licenses.

 

 

“We would like to strengthen the level of protection in online transactions through the Land Transportation Management System (LTMS) which bogged down due to glitches recently,” wika ni LTO SCO chief Divine Reyes.

 

 

Noong nakaraang Senate budget hearing ay allegedly sinabi ni Guadiz na kanyang aalisin ang portal kung saan ito ay ginagamit upang mag-apply ng driver’s license at mag-rehistro ng sasakyan online. Sinabi ni Guadiz naaalisin niya ang LTMS dahil ito ay source ng korupsyon kung saan ang mga abusadong fixer ay siyang gumagamit upang kumuha ng exams para sa kanilang mga kliyente.

 

 

Kung kaya’t nagpaliwanag si Reyes na ang sinasabi ni Guadiz na tatanggalin ay ang online validation exam para sa renewal ng driver’s license at hindi ang abolisyon ng buong LTMS system.

 

 

Naalarma si Guadiz dahil ang validation exam ay hindi gumagamit ng facial recognition mechanism upang mag-verify ng identity ng aplikante.

 

 

“We think that the system needs a facial recognition for us to be able to effectively use the portal. If that feature is added, fraud cannot be committed. The portal should see the actual person during the exam, the one who owns the driver’s license,” saad ni Guadiz. LASACMAR

Other News
  • Japanese tennis star Osaka, ipinakita ang suporta sa racial discrimination

    Ipinakita ni Japanese tennis star Naomi Osaka ang kaniyang suporta sa mga lumalaban sa social injustice.   Sa pagsisimula ng laro sa US Open sa New York, nagsuot ito ng face mask na mayroong pangalan na Breonna Taylor, ang black woman na pinagbabaril hanggang mapatay ng mga kapulisan.   Isa lamang aniya ito sa pitong […]

  • Kampanya laban sa mga abusadong debt collectors, palakasin

    PINAMAMADALI ni Davao City Rep. Paolo Duterte sa kamara ang pagpasa ng mga panukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga financial borrowers o nangungutang mula sa pamamahiya o public shaming, napakalaking interest charges at iba pang matinding pang-aabuso ng ilang online lending companies sa kabila ng ginagawang government crackdown kontra sa mga abusadong money lenders. […]

  • “VENOM: LET THERE BE CARNAGE” SMASHES ITS WAY TO THE BIG SCREEN

    VENOM: Let There Be Carnage is almost here, and the only place to see it is exclusively in movie theaters.  Get ready as Columbia Pictures prepares to unleash the new action thriller in Philippine cinemas starting December 8th.  Tom Hardy returns as the lethal protector Venom, one of MARVEL’s greatest and most complex characters. Directed by Andy Serkis, the […]