• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Japanese tennis star Osaka, ipinakita ang suporta sa racial discrimination

Ipinakita ni Japanese tennis star Naomi Osaka ang kaniyang suporta sa mga lumalaban sa social injustice.

 

Sa pagsisimula ng laro sa US Open sa New York, nagsuot ito ng face mask na mayroong pangalan na Breonna Taylor, ang black woman na pinagbabaril hanggang mapatay ng mga kapulisan.

 

Isa lamang aniya ito sa pitong face mask na kaniyang isusuot kada laro.

 

Ang nasabing bilang ay siyang bilang para makuha ang Grand Slam trophy.

 

Sinabi nito na sa nasabing paraan ay nais niyang iparating na dapat ay mabuksan ang kamalayan ng lahat sa racial injustice.

 

Unang tinalo ng number 4-seeded player na si Osaka si Misaki Doi sa score na 6-2, 5-7, 6-2 sa all-Japanese matchup sa empty Arthur Ashe Stadium.

 

Si Osaka ay 2018 US Open at 2019 Australian Open Champion.

Other News
  • DAGDAG SAHOD, PINAPAG-ARALAN

    BINABANTAYAN  ngayon ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) para makita kung kailangan ng panibagong dagdag sahod sa gitna ng pare-parehong pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin, ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma nitong Martes.     Kasunod ito ng panawagan ng Partido Manggagawa ng P100 across-the-board na pagtaas sa minimum wage sa […]

  • Action plan sa pagpapaluwag sa trapiko sa Metro Manila, inilatag

    NAGKASUNDO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang 17 local government units sa Metro Manila, at mga pambansang ahensya na responsable sa pamamahala ng trapiko sa kalakhang lungsod na maisakatuparan ang pagpapatupad ng limang taong action plan para mabawasan ang pagsisikip sa Metro Manila, ang sentro ng ekonomiya at negosyo ng bansa.     Sa […]

  • Ads April 14, 2021