• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VIP tickets ng EHeads concert, almost sold-out na: ALDEN, nire-request na ipag-produce din ang iba pang banda

MUKHANG na-inspire si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa role na ginagampanan niya sa high-rating teleserye ng GMA Network, ang “Start-Up Philippines.” 

 

 

Si Alden as the Good Boy, Tristan Hernandez ay ulila pero may pangarap na magsikap para umasenso.  Natupad niya iyon at isa na nga siyang CEO sa kanyang company, ang Sandbox.

 

 

Kamakailan, pagkatapos makabalik si Alden sa kanyang successful US ForwARd concert tour niya, nag-post siya ng: “Lift your heads as I present to you, MY newest business venture Myriad Corporation as a part of the momentous event, the “Eraserheads Huling El Bimbo” concert.

 

 

Si Alden ang CEO ng Myriad Corporation kaya naman marami ngayong nagri-request sa kanya na ipag-produce din niya ang iba pang banda.

 

 

Kung sinasabing napakamahal daw ng tickets ng Eraserheads, mali kayo dahil balitang halos sold out na ang mga pinakamahal nilang tickets ng concert na magaganap pa sa December 22, 2022 sa SMDC Festival Grounds.

 

 

And last Friday, October 7, nag-post ang ama niyang si Daddy Bae ng photo ni Alden with the caption na “let us support him on his another venture.  He is into build and sell also, mga kapatid.”

 

 

Nasa likuran ni Alden ang isang tarpaulin ng MXP Builders, Design –  Build. Owner, Richard Jr. Reyes Faulkerson.  From us, congratulations, Richard!

 

***

 

 

HAPPY ang magpinsang sina Iya Villana-Arellano at Chef Jose Sarasola at hindi makapaniwala na nasa 4th season na sila as hosts ng “Eat Well, Live Well, Stay Well” their cooking show na nagpapakita ng mga masasarap and nutritious recipes para sa buong pamilya.

 

 

Produced ito ng Ajinomoto with GMA-7, para matulungan ang Filipino families na makapagluto ng budget-friendly pero masasarap na putahe.  Muling mapapanood ang very informative show simula sa October 14 at tuwing Friday, at 11:05AM.

 

 

Ano ang bagong io-offer nina Iya at Chef Jose sa show?  “We will present unique new recipes, sobrang iba sa usual dishes na niluluto namin,” wika ni Iya.

 

 

“Feeling ko I personally grow with the show, na I gain more confidence in my cooking.  Hindi pa ako sure noon sa mga galawan sa kusina, pero ngayon very dependable na ako.”

 

 

Since papalapit na ang Christmas, may ipapakita ba silang bagong recipes?

 

 

“We want to share it na sana with you, but it has to be a secret muna,” sagot ni Chef Jose.

 

 

“Saka na lang, kapag malapit na ang Pasko, so abangan ninyo.  We will help you with your Christmas planning for the family, perfect for noche buena. We have such interesting fusion recipes.”

 

***

 

 

MALAMANG na ikatutuwa ng mga fans ni Heart Evangelista, na mapapanood na muli ang kanilang idolo  ngayong magkakaroon muli ng streaming ang GMA’s romantic drama series na “I Left My Heart in Sorsogon” starting on October 14 sa Netflix Philippines.

 

 

Sa romantic drama series, si Heart as Celeste, a fashion designer and socialite engaged to the most eligible bachelor in town, si Tonito (Richard Yap) at si Paolo Contis naman ay dati niyang boyfriend, si Mikoy.

 

 

Sa serye, ipinakita si Heart na nagsuot ng mga haute couture outfits from some of the world’s leading fashion houses, samantalang kinunan ang kabuuan nito sa breathtaking scenery from the southern province of Sorsogon.

 

 (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ads September 3, 2020

  • Marami ang mapapaluha sa documentary na tungkol sa ina at sa anak… MARIAN, inamin na ayaw gawin ang Mother’s Day special na dinirek ni DINGDONG

    KUNG matagal-tagal din na hindi napanood ang mga Kapuso Primetime King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa telebisyon, aba ngayon naman, parang bumabawi ang mga ito.     Si Dingdong ay halos araw-araw napapanood sa GMA-7 dahil sa kanyang “Family Feud,” “Amazing Earth.”  Si Marian sa kanyang “Tadhana.”  Pero simula ngayong Sabado, May […]

  • Tokyo Olympics organizers, tiniyak na hindi na maantala pa ang torneo

    Ipinakita ang Tokyo Olympic organizers na wala ng dahilan para muli pa nilang kanselahin ang nasabing torneo sa susunod na taon.   Isa aniya sa pagpapatunay ng kanilang kahandaan ay ang pagbabalik sa Tokyo Bay ng The Olympic rings monument.   May taas ito na 15.3 meters at lapad na 32.6 metro na unang inilagay […]