• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tokyo Olympics organizers, tiniyak na hindi na maantala pa ang torneo

Ipinakita ang Tokyo Olympic organizers na wala ng dahilan para muli pa nilang kanselahin ang nasabing torneo sa susunod na taon.

 

Isa aniya sa pagpapatunay ng kanilang kahandaan ay ang pagbabalik sa Tokyo Bay ng The Olympic rings monument.

 

May taas ito na 15.3 meters at lapad na 32.6 metro na unang inilagay noong Enero.

 

Unang inilagay ito noong Enero subalit ito ay tinanggal noong Agosto ng ito ay inayos.

 

Sinabi ni Tokyo metropolitan government planning director Atsushi Yanashimizu na ang paglalagay ng nasabing simbolo ay nangangahulugan ng tuloy-tuloy na ang nabinbin na torneo.

 

Magugunitang ipinagpaliban ang nasabing torneo dahil sa coronavirus pandemic.

 

Aabot naman sa $960 milion ang nakalaan na halaga ng organizer para labanan ang COVID-19 kapag nagsimula na ang torneo.

Other News
  • VCM ng Smartmatic ‘di na gagamitin ng Comelec

    HINDI NA gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machines (VCMs) ng Smartmatic sa mga susunod na eleksyon makaraan ang kabi-kabilang ulat ng pagkasira o pagloloko ng mga ito sa iba’t ibang polling precincts sa bansa.     Sa pulong balitaan nitong Lunes, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na ngayong May […]

  • Nagsimula sa pagganap niya ng ‘Darna’: NANETTE, inaming naging very conscious sa mga gagawin dahil sa pagiging role model

    IBANG klase talaga si Tito Boy Abunda.     Sino kasi ang mag-aakalang matapos ang maraming taon ng pananahimik at pagtalikod sa showbiz ay magagawa ni Tito Boy na mai-guest sa show niya ang nag-iisang Nanette Medved!     Aminin, idolo ng marami si Nanette, lalo na ng mga kabadingan lalo pa noong gampanan niya […]

  • 3 arestado sa P68K shabu sa Valenzuela

    TIMBOG ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang bebot sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Marvin Cruz, 42, Jefferson Ore, 27, kapwa ng Brgy. Gen. […]