Korina, napahanga nang husto sa mga natuklasan: SYLVIA, ready na sa kasal nina ARJO at MAINE at may sagot sa RIA-ZANJOE issue
- Published on October 10, 2022
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang magandang reception sa pinaka-bagong interview show sa free TV na “Korina Interviews” sa NET25 (kung saan mapapanood ang mga nakakaaliw na mga rebelasyon ni Dra. Vicki Belo sa first episode), naglakbay naman sa lupa, tubig, at himpapawid ang beterana at multi-awarded broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas upang makapanayam ang critically-acclaimed actress na si Sylvia Sanchez.
“Napapanood natin si Sylvia with the moat gruelling roles that only she can deliver. Madalas bilang mahirap na nanay, labandera, may problema sa isip, madungis…but people have to see Sylvia’s real life,” pahayag ni Korina.
“Pati ako mangha sa husay niyang mom to her kids (na ang isa ngayon ay Congressman na si Arjo Atayde). They also have to know she has great taste in interiors of homes, cooks the best food — ay naku! She is a sportswoman, grabe sa jetski…and so much more.”
Dumayo nga ang ‘Korina Interviews’ team sa Tali Beach property ng mga Atayde at talaga namang enjoy sila sa pag-aasikaso sa kanila ni Sylvia, na kung saan naghanda ang aktres ng sangkaterbang pagkain.
Muling nabanggit ni Sylvia na ilang taong hindi sineryoso bilang isang aktres, dinadaan-daanan at hindi pinapansin, hanggang sa pinatunayan niya ang kanyang sarili at tinitingala na rin bilang mahusay na aktres.
Sinagot din niya kung ano ang totoo sa pagitan nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo. Ayon sa anak, hindi pa raw, at walang pag-amin na nagaganap, na for sure, kanilang hinihintay na magmula kay Zanjoe.
Handang-handa na rin si Sylvia na ikasal si Cong. Arjo kay Maine Mendoza at magkaroon na ng apo. Wala pang petsa kung kailan, dahil hindi naman niya tinatanong, pero mukhang nalalapit na talaga yun.
Ibinahagi din niya na hindi ‘love at first sight’ ang love story nila ng businessman na si Art Atayde.
Isa ngang relaxed, super happy, down to earth, at informative ang second episode ng ‘Korina Interviews’, na napapanood tuwing Linggo, 5 pm sa NET25 na may live streaming at puwedeng balik-balikan sa kanilang youtube channel.
***
SAMANTALA, nag-oathtaking naman si Quezon City District 1 (QCD1) Representative Arjo Atayde bilang miyembro ng Nacionalista Party (NP) kung saan nanumpa siya kay House Senior Deputy Majority Leader, NP member, at Ilocos Norte District 1 Representative na si Sandro Marcos.
Ang NP ay ang pinaka-matandang political party sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya at ito din ang pangunahing political party sa administrasyon nina Pangulong Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña (1935-1946), Pangulong Ramon Magsaysay at Carlos P. Garcia (1953-1961), at Pangulong Ferdinand Marcos Sr. (1965-1972).
Tumakbo si Atayde bilang independent sa nakaraang eleksyon nuong Mayo sa suporta ng Quezon City Mayor na si Joy Belmonte. 100 araw na siyang nakaupo at nakapagsulat na siya ng 26 panukalang batas matapos siyang manalo ng landslide sa Congressional race sa QCD1 kung saan 66.85% ang nakuha niyang boto.
Present sa oathtaking ni Rep, Atayde ang kanyang mga magulang – ang negosyanteng si Art Atayde at ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez. Kasama rin ang kapwa miyembro ng NP na sina Senator Mark Villar at Deputy Speaker Camille Villar-Genuino.
(ROHN ROMULO)
-
Dagdag na pulis idi-deploy sa mga vaccination sites, ayuda centers sa ECQ areas – Sec. Año
Magdi-deploy ng karagdang police personnel ang Philippine National Police (PNP) sa ibat-ibang vaccination sites, ayuda centers, palengke at supermarkets sa National Capital region sa panahon na umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ). Ito ang kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año. Ayon sa kalihim layon nito para matiyak ang kaayusan […]
-
Pingris handang tulungan ang FEU
HANDA si Marc Pingris na tulungan ang Far Eastern University (FEU) Tamaraws sa kampanya nito sa UAAP men’s basketball tournament. Inimbitahan ng pamunuan ng unibersidad si Pingris na maging bahagi ng coaching staff upang mas lalong mapalakas ang Tamaraws sa mga susunod na edisyon ng UAAP. “Handa naman ako pero pag-uusapan […]
-
Mga patakbo balikan
NATUTUWA ang lahat ng mga marathoner, half-marathoner, runner, triathlete, duathlete, aquathlete, cyclist, swimmer at iba pang mga ngangarera sa outdoor at indoor dahil sa maraming nagbalikan ng mga road racing event. Siyempre kasama po ang inyong lingkod na isang marathoner. Makakakarera na po po ng face-to-face sa maraming sports event ang […]