• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaso ng COVID-19, sisipa ngayong taglamig – WHO

INAASAHAN  na ng World Health Organization (WHO) ang pagtaas ng mga bagong kaso sa iba’t ibang panig ng mundo sa mas malamig na panahon na magiging dahilan ng indoor activities habang nasa ilalim ng pinaluwag na health protocols.

 

 

Sa lingguhang briefing, sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, ilang bansa na sa Europa ang nag-uulat ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na humantong din sa mas maraming naoospital at pagkamatay.

 

 

Sinabi ni Ghebreyesus na ang Omicron pa rin ang karamihan sa impeksyon, bagamat may sinusubaybayan pa rin na 300 subvariants ang mga scientists.

 

 

“So, we continue to call on all countries to increase surveillance, testing and sequencing, and to ensure the most at-risk groups are vaccinated,”panawagan ni Ghebreyesus.

 

 

Hinimok naman ni Infectious diseases specialist Dr. Rontgene Solante ang publiko na magpa-booster na dahil karamihan sa mga pasyente na naospital ay walang booster shots.

 

 

Sa Pilipinas, nasa 93.81 % ng 73.3 milyong Pinoy ang fully vaccinated nitong Oktubre 6, subalit nasa 25.62 % ng general population ang nabigyan ng first booster o 20 milyong Pinoy.

 

 

Bumababa na aniya ang immunity ng mga naturukan lalo na sa may anim na buwan nang nakalipas bakunahan kaya dapat na maging maingat at magsuot ng face mask, ani Solante.

 

 

Samantala, hinikayat din ni Ghebreyesus ang publiko na magpasaksak ng flu vaccine dahil nagsisimula na ang panahon ng Northern hemisphere influenza.

Other News
  • Alvarez napanatili ang kanyang belt matapos talunin si Berlanga

    NAPANATILI ni Mexican boxer Saul ‘Canelo’ Alvarez ang kaniyang unified super middleweight world title.     Ito ay matapos makuha ang unanimous decision sa paghaharap niya kay Edgar Berlanga sa Las Vegas, Nevada.     Pinabagsak ni Alvarez si Berlanga sa ikatlong round at mula noon ay pinaulanan niya ito ng mga suntok.     […]

  • Alamin: Sinu-sinong immunocompromise ang prayoridad sa 3rd dose ng COVID vaccine?

    Inilabas ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga immunocompromised conditions na bibigyan ng prayoridad sa pagkuha ng pangatlong doses ng bakuna laban sa COVID-19.       Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang listahan ng mga immunocompromised conditions ay pinagtibay mula sa rekomendasyon ng World Health Organization’s Strategic Group of Experts […]

  • Pangulong Duterte, kinilala ang tagumpay ng mga manggagawa sa kanyang huling Labor day message

    KINILALA at pinapurihan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tagumpay ng manggagawa sa kanyang huling Labor day message bago bumaba sa puwesto sa Hunyo 30.     Maging ang mga hamon ng mga manggagawa ay nabanggit din ng Pangulong Duterte na patulong pa ring kinahaharap ng mga manggagawa.     Ayon pa sa presidente, kahit patapos […]