• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P10K bonus sa Quezon City hall employees, aprub ni Mayor Joy

INAASAHANG makakatanggap ang mga em­pleyado ng Quezon City Hall ng tig-P10,000 bonus bilang pagpapaabot ng pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa “sound financial management” re­cognition na natanggap ng pamahalaang lungsod sa ikalawang sunod na taon.

 

 

Mismong si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nag-anunsiyo hinggil sa pagkakaloob ng bonus sa mga city hall employees sa ginanap na Inter-department Dance Competition sa Quezon Memorial Circle nitong Sabado ng gabi.

 

 

Una nang inaprubahan ni Belmonte ang Ordinance No. SP-3138, S-2022, na nagkakaloob ng insentibo sa mga QC Hall emplo­yees, kabilang yaong may contracts of service, job orders at consultancy contracts.

 

 

“Ang bonus na ito ay pagkilala ng ating pamahalaang lungsod at ng ­ating Quezon City Council, sa pamumuno ni presi­ding officer at Vice Mayor Gian Sotto, sa sipag ng ating mga tauhan na nakatulong para makuha natin ang mga karangalan mula sa Commission on Audit (COA),” ayon kay Belmonte.

 

 

“Malaking tulong ang ha­lagang ito sa ating mga empleyado bilang pandagdag gastos sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya, lalo ngayong tumataas ang halaga ng ilang pangunahing bilihin,” dagdag pa niya.

 

 

Inatasan na ni Belmonte ang City Budget Officer na ­ilabas na ang kinakailangang pondo para sa naturang insentibo.

 

 

Nabatid na inaprubahan ng Quezon City Council ang naturang ordinansa matapos na umani ang city government ng “unqualified opinion” mula sa Commission on Audit para sa mga taong 2020 at 2021.

 

 

Ang ‘unqualified opinion’ ay ang pinakamataas na audit opinion na maaaring ibigay ng COA sa isang ahensiya ng gobyerno. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Nasungkit ni Meggie Ochoa ang ikalawang ginto ng Pilipinas sa Jiu-Jitsu World Championship

    Winalis ni Meggie Ochoa ang kompetisyon sa women’s adult -48 kilogram category patungo sa ginto sa 2022 JJIF Jiu-Jitsu World Championship sa United Arab Emirates noong Biyernes (oras sa Pilipinas).   Nakuha ni Ochoa ang pinakamataas na premyo nang talunin si Vicky Hoang Ni Ni ng Canada sa final, 2-0.   Ang 30-anyos na atleta […]

  • E-sabong, patuloy na binabantayan ng PNP

    TINIYAK ni Philippine National Police Chief PGen Benjamin Acorda Jr. na patuloy na binabantayan ngayon ng Pambansang Pulisya ang online sabong sa bansa.     Sa isang pahayag ay sinabi ni PGen Acorda na sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang pakikipag-ugnayan ng Pambansang Pulisya sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan partikular na pagdating sa mga […]

  • Naniniwala si Eugene na magiging sikat na artista: POKWANG, kinumpirma na papalitan niya ang apelyido ni MALIA

    NANINIWALA si Eugene Domingo na magiging sikat na artista ang anak ni Pokwang na si Malia.     Sa kanilang pictorial ng pelikulang ‘Becky at Badette’ ay isinama raw ni Pokwang si Malia sa set. Ikinatuwa ito ni Eugene dahil lahat daw ng tao roon ay nagsasabing artistahin si Malia.     “Our sunshine! The […]