Singil sa kuryente bababa ngayong Oktubre – Meralco
- Published on October 12, 2022
- by @peoplesbalita
MAGPAPATUPAD ang Manila Electric Company (Meralco) ng mahigit pitong sentimo kada kilowatt hour (kWh) na tapyas sa singil sa kuryente ngayong Oktubre.
Ayon sa Meralco, ang overall rate para sa isang typical household ay babawasan nila ng 7.37 sentimo/kWh ngayong buwan, o magiging P9.8628/kWh na lamang mula sa dating P9.9365/kWh noong Setyembre.
Nabatid na ang naturang adjustments ay nangangahulugan ng P15 na pagbaba sa total electricity bill ng mga kostumer na nakakakonsumo ng 200 kWh kada buwan; P22 na bawas sa mga nakakagamit ng 300 kWh; P29 sa mga nakakakonsumo ng 400 kWh at P36 naman para sa mga nakakagamit ng 500 kWh kada buwan.
Sinabi ng Meralco na mas mura pa ang power rates ngayon para sa residential customers kumpara noong 2012 na nasa P10.661/kWh; 2014 na nasa P10.465/kWh at 2018 na nasa P9.976/kWh.
Ipinaliwanag naman ng electric company na ang pagbaba ng singil sa kuryente ay dulot ng pagbaba ng feed-in-tariff allowance na nabawasan ng 6.19 sentimo/kWh, matapos na aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mas mababang koleksiyon simula ngayong Oktubre.
Dagdag pa ng Meralco, bumaba rin ang generation charges para sa buwang ito ng 2.01 senitmo/kWh o naging P6.9192/kWh mula sa dating P6.939/kWh noong nakaraang buwan, dahil sa lower costs mula sa supply contracts ng kumpanya.
Maging ang charge mula sa independent power producers (IPPs) at power supply agreements (PSAs) ay nabawasan din umano sa buwang ito. (Daris Jose)
-
Philpost package scam, bagong modus – PNP
BINALAAN ng PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG) ang publiko laban sa Philpost package scam matapos na maraming mabiktima hinggil sa umano’y mga unclaimed package sa nasabing tanggapan. Ayon kay P/Brig. Gen. Joel Doria, Director ng PNP-ACG, ang modus operandi ng mga tiwaling manggagantso ay makakatanggap ka ng tawag mula sa isang automated machine na […]
-
16M bakuna, inaasahan ng Pilipinas na darating sa second quarter ng 2021
INAASAHAN ng gobyerno ng Pillipinas na darating sa second quarter ng 2021 ang 16 milyong bakuna sa bansa. Sinabi ni Vaccine “czar” Secretary Carlito Galvez Jr. na inaasahan ng pamahalaan ang 7,308,400 vaccine doses ngayong buwan ng May at 9,150,000 doses naman sa buwan ng Hunyo. “So bago po matapos po ang buwan […]
-
Ads May 28, 2021