• October 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philpost package scam, bagong modus – PNP

BINALAAN ng PNP-Anti-Cybercrime Group (ACG) ang publiko laban sa Philpost package scam matapos na maraming mabiktima hinggil sa umano’y mga unclaimed package sa nasabing tanggapan.

 

 

 

Ayon kay P/Brig. Gen. Joel Doria, Director ng PNP-ACG, ang modus operandi ng mga tiwaling manggagantso ay makakatanggap ka ng tawag mula sa isang automated machine na diumano’y mula sa Philpost.

 

 

 

Isinasaad umano dito na may parcel daw na nakumpiska na naglalaman ng mga illegal na dokumento tulad ng bankcards at passport at ang binibiktimang indibidwal ay ‘under investigation’.

 

 

 

Dito’y ipapakausap ka sa mga nagpapanggap na PNP at AMLAC (Anti-Mo­ney Laundering Council) officers na umano’y taga Cebu gamit ang Skype Application.

 

 

 

“Biktima ka raw ng identity theft at kaila­ngan mong linisin ang iyong pangalan sa pagkakadawit sa money laundering (Personal na pupunta sa Cebu, freeze muna ang account  o magpa-file ng complaint through skype,” anang opisyal.

 

 

 

Sasabihin ng sindikato na kailangang magbayad ng bond habang inaayos ang kaso ng mga binibiktima gamit ang e-wallet.

 

 

 

Sinabi ni Doria na ilan lamang ito sa mga modus ng mga scammers kaya dapat na maging mapanuri ang publiko at i-report sa lehitimong law enforcement agencies upang maimbestigahan at maaresto ang mga scammers.

 

 

 

Kaugnay nito, umapela ang opisyal sa publiko na kung may mga reklamo, katanungan at suhestiyon ay maaring direktang makipag-ugnayan sa PNP-ACG sa pamamagitan ng Facebook page gamit ang messenger o tumawag sa kanilang mga hotlines –Hotline number: (02) 723-0401 (loc 7491); Viber Numbers: 0915-589-8506/0966-627-1257.

Other News
  • Life story ng first Olympic Gold Medalist na si HIDILYN na ginampanan ni JANE, muling mapapanod sa ‘Maalaala Mo Kaya’

    DUMATING noong Miyerkoles ng hapon mula sa Tokyo si Hidilyn Diaz after niya magwagi ng gold medal sa weightlifting last Monday.     Napanood ng buong bansa ang panalo ni Hidilyn which was a shining moment para sa lahat ng mga Pilipino.     Ang panalo ni Hidilyn ng gold medal, tapos nakagawa pa siya […]

  • Jo Koy’s “Easter Sunday” With All-star Fil-Am Comedic Cast, Celebrates Pinoy Culture

    STAND-UP comedy sensation Jo Koy (Jo Koy: In His Elements, Jo Koy: Comin’ in Hot) stars as a man returning home for an Easter celebration with his riotous, bickering, eating, drinking, laughing, loving family, in this love letter to his Filipino-American community.     Check out the hilarious trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=ivv36l25jgU     Easter Sunday […]

  • SMOKE FREE MANILA INILUNSAD

    BILANG bahagi sa selebrasyon ng Lung Cancer Awareness month ay inilunsad ng Department of Health-Metro Manila Center for Health development (DOH-MMCHD) ngayong martes ang kampanya na maging smoke-free ang Manila Bay.     Ang aktibidad ay inilunsad sa Baywalk Dolomite Beach na may layuning itaguyod at isulong ang isang breathable environment kung saan ang publiko […]