P4.5 trilyon 2021 national budget pasado na sa Senado
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
Inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang P4.5 trilyon national budget para sa susunod na taon.
Bumoto ang 24 senador pabor sa 2021 General Appropriations Bill (GAB).
Tanging sina Sen. Leila de Lima na nananatiling nakakulong at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na nagpositibo sa COVID-19 ang hindi nakaboto sa panukala.
Sinabi ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance na mananatili ang adhikain ng Senado na magamit ang pambansang budget sa pagbangon ng ekonomiya.
Matapos aprubahan, mag-uusap ang mga kinatawan ng Senado at House of Representatives sa isang bicameral conference committee upang i-reconcile ang pagkakaiba sa bersyon ng panukalang batas.
Inaasahang malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pambansang pondo bago matapos ang taon.
‘Dagdag-bawas’ ng House haharangin ng Senado.
Samantala, kinastigo naman ni Sen. Panfilo Lacson ang ginawang dagdag-bawas ni House Speaker Lord Allan Velasco sa pondo ng mga kaalyado at kritikong kongresista sa ipinasa ng Kamara na 2021 national budget.
Ayon kay Lacson, hindi aksyon ng isang lider ang ipinakitang pagpabor ni Velasco sa kanyang mga supporters samantalang kitang-kita ang paglaglag nito sa mga kongresista na kaanib ni dating House Speaker at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.
Ilan sa nakatamasa ng malaking budget increase ay ang Benguet, Albay at Abra.
Hindi naman nabawasan ang budget ni Cayetano sa kanyang distrito na maaaring respeto na rin umano sa dating House Speaker.
Sinabi ni Lacson na mali ang ginawang dagdag-bawas sa pondo dahil lalong naging malaki ang disparity o agwat ng naging hatian ng pondo sa pagitan ng mga kongresista, halimbawa na ang P15.351 billion sa isang distrito kumpara sa P620-M sa ilan.
Una na rin kinumpirma ni Cayetano na P300-M hanggang P1 billion ang naging kapalit ng pagsuporta ng mga kongresista kay Velasco, ito umano ang dahilan kung bakit nagmamadali sa turnover ng Speakership noong Oktubre.
“No matter how House members deny, the appropriations in their approved General Appropriations Bill were influenced by the change in their leadership,” paliwanag ni Lacson.
Samantala sinabi ni House Minority Leader Stephen Paduano na ang district allocations na kinukuwestiyon ni Lacson ay maaari pa namang mabago sa bicameral conference committee.
Bilang tugon, sinabi ni Lacson na kanya talagang haharangin sa Bicam ang idinagdag na budget at ilalaan ito sa mas kinakailangang pagkagastusan, pangunahin na ang health issues at pagbangon ng ekonomiya dulot ng pandemic.
Target ni Lacson na tanggalin sa 2021 budget ang may P60 billion na infrastructure allocation na ipinasok ng mga mambabatas sa DPWH budget. (ARA ROMERO)
-
2 INARESTO SA PROSTITUSYON, 9 NA KABABAIHAN, NI-RESCUE NG NBI
INARESTO ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD) sa General Mariano Alvarez, Cavite ang dalawang indibidwal na nag-aalok ng sex workers sa dalawang kababaihan sa pamamagitan ng social media Kinilala ang mga naaresto na si Rodel Miranda y Canoy, alias Gigzo at Jesus Manuel Genio y Bustamante, alias, Buboy. Nag-ugat ang […]
-
Antonio, 3 pa kakasa sa LGBA
PAMUMUNUAN ng Team Sagupaan ang pagpapatuloy ng 2020 LGBA Cocker of the Year series sa Pasay City Cockpit sa Biyernes, Pebrero 28. Binabalangkas ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), taya ang mahigit P1M sa 4-cock finals na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000. Sasali rito si sabong idol Patrick Antonio, na […]
-
MAMAMAYAN, HINIMOK NA MAKIISA SA CATHOLIC E-FORUM
HINIMOK ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mamamayan lalo na ang mga botante na makiisa sa isinagawang voters education ng simbahan na One Godly Vote na Catholic E-Forum. Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Permanent Committee for Public Affairs, layunin ng talakayan na bigyang kaalaman ang publiko […]