• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Antonio, 3 pa kakasa sa LGBA

PAMUMUNUAN ng Team Sagupaan ang pagpapatuloy ng 2020 LGBA Cocker of the Year series sa Pasay City Cockpit sa Biyernes, Pebrero 28.

 

Binabalangkas ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA), taya ang mahigit P1M sa 4-cock finals na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

 

Sasali rito si sabong idol Patrick Antonio, na kagagaling lang sa back-to-back championship sa National Cockers Alliance (NCA) derby, kasama sina three pointer Arnold dela Cruz, Hector Magpantay at Ronnel Pasia.

 

Ang ibang three pointers ay sina Percy Modomo, lawyer Jun Caparroso, Mel Lim, Nelson Uy/Dong Dhung, Boy Gamilla, Mayor Rommel Romano, Boy Tanyag at Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores.

 

May 2.5 puntos naman sina Jeffrey at Aylwyn Sy ng Team Sagupaan kasama sina Raymond Velayo, Toto Gregore, Mamad Villarubio, RM Senor Vicente entry, Vic Bilangel at Jong Daed.

 

Ayon kay LGBA president Nick Crisostomo, ihahatag ang COTY series 7-bullstag derby second leg sa Marso 9, 16 at 23. (REC)

Other News
  • Ka-join na rin ang mag-ama sa leading e-commerce platform: MARIAN, madaling na-convince si ZIA na magpabakuna dahil sa face-to-face class

    NAGING madali para sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na i-convince ang anak nilang si Zia Dantes, na walang arte at matapang na magpabakuna.     Kaya last Monday (Feb. 28), fully vaxx na nga ang anak nila.     Sa post ng kanyang Daddy Dong, “It’s ate Z’s second shot today and we […]

  • 2 TIMBOG SA HIGIT P200K SHABU

    DALAWANG hinihinalang sangkot sa ilegal kabilang ang isang 16-anyos na binatilyo ang arestado sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan at Navotas Cities.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-3:40 ng madaling araw, nakatanggap ng tawag ang Caloocan Police Sub-Station 5 mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong illegal […]

  • BSP nagbabala sa ibinebentang P20 coins sa internet

    NAGPAALALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na kailanman ay hindi sila nag-isyu nang tinatawag na Brilliant Uncirculated P20 peso coins.   Ginawa ng BSP ang paalala dahil na rin sa pagkalat sa internet o online seller na nag-aanunsiyo sa ibinebentang Brilliant Uncirculated P20 peso coins.   Ayon sa BSP ang P20-peso new […]