Bagong voter registration system na “Register anywhere,” kasado na-Comelec
- Published on October 14, 2022
- by @peoplesbalita
KASADO na para sa pilot testing ang panibagong sistema ng Commission on Elections na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga voter registrants na makapagparehistro kahit hindi sa kanilang siyudad o bayan na kinabibilangan.
Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni COMELEC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, bunsod ng pagiging abala ng mga dapat na magparehistro ay nababawasan ang pagkakataon na sila ay makapag-patala o di kaya kailangan pang umabsent sa trabaho.
Kaya aniya sa pamamagitan aniya ng “Register anywhere system,” ay maaari ng makapagpa-rehistro, halimbawa sa ilalagay nilang booth sa isang mall na duon ay , gagawin na ang thumbprint… pagpapalitrato at iba pang proseso na ginagawa sa voters registration.
“Kung natatandaan ninyo po, ang proseso kasi ng ating pagrirehistro sa Republic Act 8189, kailangang pumunta tayo doon sa tanggapan namin or doon sa satellite registration be it in a mall or covered court or kung saan mismo kung saan ka naka-resident – city or municipality,” ayon kay Laudiangco.
“Ang mahirap po dito kasi… iyong mga kababayan natin kadalasan nagtatrabaho sa siyudad o munisipyo na kung saan hindi sila nakatira. Nababawasan iyong pagkakataon at masyadong abala sa kanila na mag-a-absent pa sa trabaho para lang makarehistro,” wika pa nito.
Wika pa ni Laudiangco, lahat ng datos na nakuha sa isang nagparehistro ay ipadadala sa tanggapan na nakasasakop kung saan residente ang isang registered voter kung kayat ang posting ng pangalan ay sa munisipyo pa rin ng isang nag-avail ng register anywhere.
Samantala, kapag naging matagumpay ni Laudiangco ang pilot testing sa National Capital Region ay iro- roll out aniya nila ito sa buong bansa.
-
Shohei Ohtani nagmalupet kontra Australia
HINDI pa tapos ang pasiklab ni Shohei Ohtani sa World Baseball Classic, nag-deliver ito ng three-run homer na bumagsak sa ibaba lang ng sarili niyang imahe sa video advertising board sa Tokyo Dome para ihatid ang Japan sa 7-1 win kontra Australia nitong Linggo. Naglayag ang kanyang first-inning drive ng 448 feet, dalawang beses […]
-
Myla Pablo lumipat na sa F2 Logistics
Si Myla Pablo ay lumipat mula sa Petro Gazz sa F2 Logistics. Ginawa ng ahente ni Pablo na Virtual Playground ang anunsyo noong Biyernes. Ayon kay Pablo, ang paglipat sa Cargo Movers ay isang bagay na kailangan niya para sa kanyang personal na paglaki. “This coming year, papasok ako […]
-
3 sa 4 na sundalong nasawi sa Sulu shootout, binigyan ng military honors
Binigyan ng military arrival honors ang tatlo sa apat na sundalo na nasawi sa shootout sa Sulu sa pagdating ng kanilang mga labi sa Villamor Air Base kahapon. Mismong si Philippine Army Chief, Lt.Gen. Gilbert Gapay ang sumalubong sa mga labi nina Maj. Marvin Indammog, Cpt. Irwin Managuelod, at Sgt. Jaime Velasco. Habang […]