• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Online, preferred mode para sa SIM card registration- DICT

SINABI ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy  na mas mabuting idaan sa online ang  proseso ng  SIM card registration.

 

 

Giit ni Uy, mahirap ang physical registration dahil malaki ang posibilidad na dumagsa ang mga tao sa registration sites.

 

 

“The preferred mode will be online po dahil sa dami po at hindi po kaya na i-physical,” ayon kay Uy.

 

 

“‘Yan po ang ideal situation, online po ang lahat ng registration at submission ng mga verifiable documents katulad ng passport or driver’s license or SSS, GSIS or PhilHealth cards upang maverify. Mahirap po ang on site registration dahil madudumog po ng mga tao ang locations na ‘yan at di ho kaya. May 144 to 150 million po ang mga prepaid cards na na-issue,” wika pa nito.

 

 

Nauna rito, pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kontrobersyal na SIM Card Registration Act para mapalakas pa ang kampanya ng pamahalaan kontra sa mga text at online scams na naging talamak kamakailan lamang.

 

 

Sinasabing malaking tulong  sa mga awtoridad na maatunton ang mga gumagawa ng scam at iba pang uri ng kriminalidad gamit ang cellular phone.

 

 

Sa kabilang dako, mula sa pagiging epektibo ng batas, ang lahat ng  existing postpaid at prepaid SIM users  ay required  na magparehistro sa loob ng 180 araw o anim na buwan upang maiwasan ang deactivation.

 

 

Maaari ani Uy na  magparehistro ang  isang indibidwal ng multiple SIM cards “as long as he or she is properly-identified.”

 

 

“Wala naman pong limitasyon, ang importante po is ‘yung SIM card, properly-identified ‘yung owner,” ayon kay Uy.

 

 

Wika ni Uy, maaaring iprisenta  ng isang indibidwal ang kanyang passports at driver’s licenses sa pagpaparehistro ng  SIM cards  kung wala pa itong national ID.

 

 

Sinabi pa ni Uy  na binabalangkas na ng National Telecommunications Commission  ang implementing rules and regulations para sa bagong batas.

 

 

“It (new law) will require 15 days ho to be effective after publication sa Official Gazette,” ani Uy.

 

 

“So once mangyari po ‘yun, ‘yung IRR malalabas po ng NTC within 60 days at ang palugit po ng registration ay 180 days o anim na buwan po,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • 2021’s “Dune” Returns to PH IMAX Cinemas Starting February 7, With a Special Sneak Peek of New “Dune: Part Two”

    THE desert calls. Return to the world of Dune before watching one of the most exciting sequels of the year. Dune returns exclusively to IMAX starting February 7. This is your chance to experience Denis Villeneuve’s first Dune film the way it was meant to be seen. This special experience also includes a sneak peek […]

  • PAG-ALIS NG MGA DAYUHAN SA BANSA, MAGPAPATULOY HANGGANG KATAPUSAN NG TAON

    INAASAHAN na magpapatuloy hanggang sa katapusan ng taon 2020 ang pag-alis ng malaking bilang ng mga dayuhan sa bansa, ayon sa Bureau of Immigration (BI).   Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na mula January hanggang September 2020, may 1.5 million na nga dayuhan ang dumating sa Pilipinas bago pa man ipatupad ang travel restrictions […]

  • Philippine Sports Hall of Fame headquarters mabubuksan na

    NAKATAKDANG babasbasan at pasinayaan ang magiging bahay ng Philippine Sports Hall of Fame sa (PSHoF) darating na Hulyo o Agosto.   “We have decided to inaugurate on July, Philippine Sports Hall of Fame in PNB office at Rizal Memorial Sports Complex Malate, Manila. PNB will vacate the building on May 31,” pagbubunyag kahapon ni Philipine […]