• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PLUNDER CASE LABAN sa mga NAGPATUPAD ng NCAP

ITO ANG  hiling ni Atty. Alex T. Lopez sa Ombudsman ng sampahan niya ng plunder case sila Manila Mayor Honey Lacuna at dating Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso.

 

 

Ayon sa demanda ni Atty. Lopez “NCAP of the City of Manila was created via City Ordinance 8676 series of 2020 nang Vice Mayor pa lang ang kasalukuyang Mayor.  Sabi ni Atty. Lopez

 

 

“It must be emphasized that in the City Ordinance 8676, series of 2020 THERE IS NO MENTION OR EVEN A HINT ON HOW THE PENALTIES WILL BE DIVIDED BY THE CITY GOVERNMENT OF MANILA AND THE COLLECTING PRIVATE ENTITY. FURTHER, THERE IS ALSO NO MENTION AS TO A SPECIAL FUND TO PUT THE COLLECTED PENALTIES PAID FROM THE ALLEGED TRAFFIC VIOLATIONS.

 

 

Ayon din kay Atty. Lopez what is even worse is that a percentage of the penalty will go DIRECTLY to the Private Entity, the QPAX Traffic Systems through a percentage agreement.

 

 

At dahil dito ay PRESUMED na may personal gain sa deal ang Mayor dahil sa Sec 3 (i) 2nd paragraph ng RA 3019- “Interest for PERSONAL GAIN SHALL BE PRESUMED against those public officers responsible for the approval of manifestly unlawful, inequitable, or irregular transactions or acts by the Board, panel, or group to which they belong”.

 

 

Humingi na ng extension of time para sagutin ang demanda ayon sa isang motion na inihain ng abogado ni Mayor Lacuna.

 

 

Depende na sa Ombudsman kung makakakita ng probable cause sa demanda ni Atty. Alex Lopez para isampa ang plunder sa Sandiganbayan.  No bail ang kasong plunder.

 

 

Ang NCAP ng Maynila ay naipasa sa panahon nang kasagsagan ng pandemya.  Ang sales talk dito ng mga nagsulong ay para walang contact ang enforcer at driver at iwas kotong daw. Pero ngayon marami amg nagtatanong at may duda ASAN ANG MGA MULTANG NAKOLEKTA? MAGKANO NA ang NAKOLEKTA? Hindi pamumulitika ang pakay ni Atty. Lopez dito kundi nais niya magkaroon ng accountability sa NCAP sa Maynila.

 

 

Asan nga ba ang pera? Kung magkaroon ng order ng refund na panawagan ng ilang Kongresista at ni Atty. Lopez MAIBABALIK PA BA ANG DAAN-DAANG MILYON NA NAKOLEKTA GALING SA MULTA?

 

 

Sana ay mabilis maresolba ng Ombudsman ang kaso at mapanagot ang mga mandarangbong. (Atty. Ariel Inton Jr)

Other News
  • Ads November 14, 2022

  • Ads October 12, 2022

  • 9 PANG PUGANTENG JAPANESE NATIONAL, PINA-DEPORT

    PINABALIK sa kanilang bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam na puganteng Japanese national na wanted sa Tokyo dahil sa telecommunications fraud.     Ang mga pugante ay umalis patungong Narita via Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, kasama ang kanilang mga Japanese police escort .     Kinilala ang mga pina-deport na sina […]