MIYEMBRO NG “ONIE DRUG GROUP” 2 PA, TIMBOG SA P816-K SHABU
- Published on September 14, 2020
- by @peoplesbalita
TATLONG drug personalities, kabilang ang isang miyembro ng “Onie Drug Group” ang nasakote ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang naarestong mga susek na si Alfredo Boyose, 52, watchlisted, member ng “Onie Drug Group”, Rodrigo Diana, 42, (Watchlisted), at Joseph Sison, 52, vendor.
Sa tinanggap na report ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, alas-11:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng District Drug Eforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Ramon Aquiatan Jr. sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Giovanni Hycenth Cakiao ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Block 31, Lot 15, Phase 3 F-1, Sabalo St. corner Langaray St., Dagat- dagatan, Brgy 14, Caloocan City.
Isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang maka-order sa mga suspek ng P12,000 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.
Aabot sa 120 gramo ng shabu na tinatayang nasa P816,000 ang halaga, 1 pc tunay na P1,000 na nakabugkos sa 11 pcs P1,000 boodle/buy-bust money, cellphone, at weighing scale ang nakumpiska sa mga suspek. (Richard Mesa)
-
Galvez, clueless kung may koneksyon kay Yang ang mg executives ng Pharmally
CLUELESS si Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. kung may koneksyon kay dating Presidential adviser Michael Yang ang executives ng Pharmally firm na nag-suplay sa bansa ng P8-billion COVID-19 pandemic supplies. Ang pahayag na ito Galvez ay matapos ipakita at ipanood ni Senador Richard Gordon sa Senate inquiry ang isang footage mula sa state-run RTVM […]
-
P3 MILYON SHABU NASAMSAM SA BUY BUST SA QUIAPO
TINATAYANG halos P3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at pagkakaaresto ng tatlong indibidwal sa isinagawang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quiapo, Maynila. Nakuha sa mga suspek ang nasa 500 gramo ngh hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos 3 milyong piso. Nakilala ang mga suspek na sina Fatima Ampatuac, Jamila […]
-
Pinas, kailangang maging handa para sa “worst” Covid-19 situation
KAILANGANG maging handa ng Pilipinas para sa “worst” COVID-19 situation, lalo pa’t mas maraming nakahahawang variants ng novel coronavirus ang nagkalat ngayon sa buong mundo. “The pandemic is getting “hotter and more dangerous” as COVID-19 variants could pose “a problem discovering new vaccines,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the […]