• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Listahan ng seniors na may ayuda, bubusisiin ng Maynila

IPINAG-UTOS ni Manila ­Mayor Honey Lacuna ang paglilinis sa listahan ng mga senior citizen upang makatiyak na residente pa ang mga ito sa lungsod.

 

 

Ang direktiba ay ibinigay kay  Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) chief Elinor Jacinto, matapos na makatanggap ng ulat na may mga nasa listahan na hindi na nakatira sa Maynila at patuloy na nakakatanggap ng ayuda.

 

 

Ito rin, ayon kay Lacuna, ang dahilan kung bakit nire-require ng OSCA ang  personal appearance ng mga senior citizens kapag kukuha sila ng monthly financial aid na ipinamimigay ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

 

 

Kabilang din sa pinabubusisi ang mga nasa listahan na doble ang pangalan o mga nakatala sa magkaibang barangay dahil sa paglipat ng tirahan o upahan.

 

 

Sinigurado naman ng alkalde na ang mga inactive ang status dahil sa hindi kumpleto ang kanilang detalye ay aasistihan ng pamahalaang lungsod.

 

 

Sa katunayan, sinabi ni Lacuna na marami ng mga senior citizens ang humingi ng tulong sa tanggapan ng OSCA para mag-fill out ng  mga kailangang detalye para sila ay mapabilang sa listahan ng mga tatanggap ng monthly cash assistance na ibinibigay ng lokal na pamahalaan.

 

 

“Marami na ang nagtungo at natugunan naman ang kanilang problema tungkol sa masterlist.  May mga pinagagamit tayong laptops or computers para malutas kaagad ang mga ganyang problema,” sabi ni Lacuna.

 

 

Binanggit pa ng lady mayor na may mga pagkakataon na ang isang senior citizen ay nakarehistro sa kanyang sariling barangay, pero nakarehistro pa rin sa barangay ng kung saan nakatira ang anak nito.

 

 

Kapag nasa  masterlist na ang isang senior citizen, wala ng dahilan, ayon kay  Lacuna  para hindi niya matanggap ang kanyang allowance sakaling ito ay available na.

Other News
  • KASO NG COVID TATAAS PA HANGGANG DECEMBER

    MAY posibilidad na patuloy na tataas ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas hanggang Disyembre ayon sa Department of Health (DOH)     Sa press briefing nitong Martes, sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na maari pang magtuloy-tuloy ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa kahit hanggang nitong October, November, at December.     […]

  • Temporary deployment ban muna ng OFW sa Saudi – DOLE

    Pansamantalang ipinataw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang temporary deployment ban patungong Kingdom of Saudi Arabia.     Ito ay may kaugnayan sa hinihinging karagdagang requirements ng mga employers sa mga Filipino workers.     Mismo si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia ang nagkumpirma sa temporary deployment ban.     […]

  • Slaughter nagpatali na

    NAGPAKASAL na si Philippine Basketball Association (PBA) free agent Gregory William ‘Greg’ Slaughter ilang oras pagkakopo ng dati niyang team na Barangay Ginebra San Miguel sa 45th Philippine Cup 2020 championship nitong Miyerkoles ng gabi sa Angeles University Foundation Sports Arena sa Angeles, Pampanga.   Itinali angpuso ng 32-taong gulang, may taas na 7-0 talampakan na […]