Slaughter nagpatali na
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
NAGPAKASAL na si Philippine Basketball Association (PBA) free agent Gregory William ‘Greg’ Slaughter ilang oras pagkakopo ng dati niyang team na Barangay Ginebra San Miguel sa 45th Philippine Cup 2020 championship nitong Miyerkoles ng gabi sa Angeles University Foundation Sports Arena sa Angeles, Pampanga.
Itinali angpuso ng 32-taong gulang, may taas na 7-0 talampakan na sentro sa may katagalan ma niyang kasintahang si Schinina Juban araw ng Huwebes, Disyembre 10.
Sa Twitter account post ng basketbolista, may litrato sila ng dyowa habang nakasuot siya ng barong at wedding gown naman ang babae.
Walang nilagy si Slaughter na caption sa larawan nila, sa halip ay kinabitan ng emoji ng singsing, at ng lalaki at babaeng ikinasal.
Pagkakopo ng 44th PBA Governors’ Cup nitong Enero, hindi na pumira ng bagong kontrata sa Gin Kings ang manlalaro at naglimayon sa Estados Unidos at doon na inabot ng lockdown.
Oktubre na nakabalik ng ‘Pinas ang Fil-Am baller, na nagparamdam na kay Ginebra coach Eael Timothy ‘Tim’ Cone na magbalik sa team sa 46th PBA PH Cup 2021 sa darating na Abril. (REC)
-
Alfred Vargas to Star with Philippine Cinema Icons in ‘Pieta’
ALFRED Vargas continues to challenge himself as an actor and producer with his new project ‘Pieta’ which will start filming this February. He will be playing the role of Isaac, who was just released from prison but believes he is wrongfully accused for the killing of his father years ago when he was […]
-
Kampo ni WNBA star Brittney Griner lubos ang pasasalamat sa mga suportang nakukuha matapos maaresto sa Russia
Labis ang pasasalamat ng kampo ni WNBA star Brittney Griner sa mga suportang nakukuha nito matapos na maaresto sa Russia ng makuhanan ng illegal substance. Sinabi ng kanyang asawang si Cherelle Griner na nagpapasalamat ito sa mga fans at mga kaanak nila na nagpaabot ng pagdarasal para agad na makalaya ito. […]
-
Pantay na access sa coronavirus vaccines, isinusulong ng WHO
Nanawagan sa iba’t ibang bansa si World Health Organization (WHO) Director General Tedros Ghebreyesus upang makiisa sa isinusulong nitong mga hakbang upang siguraduhin na magkakaroon ng pantay na access ang mga bansa sa coronavirus vaccines. Sa isinagawang press briefing ng international body, nagbabala si Ghebreyesus tungkol sa mga bansa na nagmamadaling bumili ng bakuna […]