• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MPD NAG-INSPEKSIYON SA SEMENTERYO SA LUNGSOD

NAGSAGAWA ng inspeksyon na ang pamunuan ng  Manila Police District (MPD) sa mga sementeryo sa lungsod bilang paghahanda sa papalapit na Undas.

 

 

Ayon kay MPD Director Brig.General Andre Dizon, ilalatag ang paghahanda sa seguridad pero kailangan pa ring may paghihigpit dahil nasa gitna pa ng pandemya.

 

 

Una nang sinabi ni Dizon na mga 1,000 kapulisan ang kanyang ipapakalat sa mga sementeryo sa Maynila na magbabantay sa seguridad ng mga bibisita lalo na sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery.

 

 

Dagdag pa ni  Dizon, magpapatupad din ng anti- anti-criminality procedure upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

 

 

Pinaalalahanan din ng heneral ang publiko na huwag magdala ng mga matatalas o armas.

 

 

Nauna na ring pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang publiko na ipinagbabawal na magdala ng mga inuming nakalalasing, nasusunog na materyales, baril at anumang matutulis na bagay tulad ng kutsilyo, pamutol, atbp., videoke o anumang sound system na maaaring magdulot ng malakas na tunog, deck ng mga baraha, bingo card. , o anumang uri ng pagsusugal sa loob ng Manila North Cemetery at Manila South Cemetery  simula Sabado, Okt. 29 hanggang Miyerkules, Nob. 2.

 

 

Hindi rin papayagan makapasok ang mga batang edad 12 pababa gayundin ang mga hindi bakunado.(Gene Adsuara)

Other News
  • Pinatulan ang panglalait ng basher: ANNE, blessed sa ‘big lips’ kaya ‘di kailangan ng surgeon

    HINDI na naman napigilan ni Anne Curtis na patulan ang isang basher na pumuna sa kanyang “big lips” o “bunganga”.   Ayon sa tweet ng basher na may account na @winter_Snowcold na naka-private na…   “MEDYO PAPANSIN TONG BIG LIPS NA TO KULANG NALANG IPA SURGEON MO YANG BUNGANGA MO”   Kaya sinagot naman ito […]

  • PH aquatics team nagtakda ng Open Tryout para sa Cambodia SEAG

    Inatasan ang Stabilization Committee  ng World Aquatics (dating FINA) Bureau na mangasiwa sa swimming sa Pilipinas sa pagsasagawa ng open tryout para matukoy ang komposisyon ng koponan na pupunta sa 2023 Cambodia SEA Games.   Nakatakda ang tryout sa Pebrero 18 at 19 sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.   Isang direktiba […]

  • Mga manufacturer ng sardinas, meat loaf, corned beef, sabon, kape humirit ng dagdag presyo sa mga produkto

    HUMIRIT  ang mga manufacturer ng  sardinas, meat loaf, corned beef, kape at sabon sa Department of Trade and Industry (DTI) na taasan ang presyo ng mga nasabing produkto. Sa katunayan, nakatanggap ang DTI ng notice of price adjustment mula sa mga ito. Ayon sa departamento, masusi nilang pinag-aaralan  ang bagay na ito. Pagsusumikapan nila na […]