• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga manufacturer ng sardinas, meat loaf, corned beef, sabon, kape humirit ng dagdag presyo sa mga produkto

HUMIRIT  ang mga manufacturer ng  sardinas, meat loaf, corned beef, kape at sabon sa Department of Trade and Industry (DTI) na taasan ang presyo ng mga nasabing produkto.
Sa katunayan, nakatanggap ang DTI ng notice of price adjustment mula sa mga ito.
Ayon sa departamento, masusi nilang pinag-aaralan  ang bagay na ito.
Pagsusumikapan nila na maging reasonable ang presyo para sa kapakanan ng mga mamimili.
Agosto 2022 nang huling magpalabas ang  DTI ng suggested retail price (SRP) guide para sa ilang items.
Samantala, araw ng Biyernes, magkasamang binisita nina DTI Secretary Alfredo Pascual at Senador Mark Villar, chairperson ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, ang ilang supermarket sa Makati City para magsagawa ng inspeksyon.
Natuklasan ng mga ito na ang mga items na binebenta ay sumusunod sa  SRP o mas mababa pa.
Nagpunta rin sina Pascual at Villar sa Guadalupe Market sa  Makati City para i- check ang mga agricultural products.
“Ilan ba talagang toneladang sibuyas ang naha-harvest natin? At ilan ang demand total? Ilan ang shortage na kailangang ma-meet at kung sakali ng import? So kailangan gagawing digitalized system ‘yan,” ani Pascual.
“Kung may buffer stock na kontrolado ng gobyerno, ang tingin ko, ‘yung mga traders, hindi magkakalakas loob na mag-hoard at mag-manipulate ng price,” dagdag na pahayag ni Pascual.
Sinabi naman ni Villar na ang susunod nilang iinspeksyunin ay ang mga wholesalers.
“Ang next naming bibisitahin namin ay ang mga wholesalers para ma-trace namin kung saan nagkakaroon ng malaking pagtaas ng presyo,” ani Villar.
“Ang babantayan natin ‘yung mga nasa lower price ranges kasi ‘yon ang mga binibili ng mga karaniwang mamimili. Pag-aaralan naman namin kung kayang ma-absorb ‘yung presyo,” ayon naman Kay Pascual. (Daris Jose)
Other News
  • Pinakahuling survey ng SWS, welcome sa Malakanyang

    WELCOME sa Malakanyang ang pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey na nagpapakita ng bahagyang pagbaba ng bilang ng mga unemployed o bilang ng mga walang trabaho sa bansa.     Batay kasi sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong December 12 hanggang 16, lumabas na ang adult joblessness rate sa bansa ay nasa […]

  • ‘Mga kaso ng hostage taker sa San Juan, madadagdagan pa’ – Sinas

    MASUSUNDAN pa ang mga kaso laban sa Green Hills hostage taker na si Alchie Paray.   Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Debold Sinas sa panayam ng Bombo Radyo, illegal possession of firearms at explosives ang inisyal nilang isinampa, habang maghahain ng bukod na reklamo ang mga naging hostage nito. […]

  • 10M Pinoy jobless sa COVID-19 crisis – DSWD

    Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na halos nasa 10 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng coronavirus disease o COVID-19 crisis.   “The health crisis alone has created deep impacts on the economy, as well as our fellow Filipinos’ livelihood and well-being, with prospects of an estimated 10 […]