Mga nakabili ng tickets para sa FIFA World Cup 2022 aabot na sa halos 3-M
- Published on October 19, 2022
- by @peoplesbalita
AABOT na sa halos tatlong milyon tickets ang naibenta para sa FIFA World Cup sa Qatar.
Ayon kay World Cup Chief Operating Officer Colin Smith na ang pangunahing bansa na nakabili ng tickets ay mula sa Qatar, US, at Saudi Arabia.
Sa pinakahuling bilang ay aabot na sa 2.89 milyon ang naibenta para manood ng mga laro.
Sinabi naman ni FIFA president Gianni Infantino na nakabenta na sila ng 240,000 hospitality packages sa loob lamang ng ilang buwan para sa torneo na magsisimula sa Nobyembre 20.
Dahil sa limitadong accomodation sa Qatar ay pinili ng ilang mga fans na manirahan sa katabing bansa at sila lamang ay magtutungo sa lugar kapag may mga laro na.
-
200-K trabaho, inaasahang maibabalik – DTI
Aabot sa 200,000 trabaho ang inaasahang maibabalik kasunod ng paglalagay sa National Capital Region (NCR) gayundin sa mga karatig na lalawigan ng Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna, sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) simula bukas, Mayo 15. Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, magmula nang inilagay kasi […]
-
Jullebee Ranara, inilibing na
INIHATID na sa kanyang huling hantungan ang labi ng pinatay na OFW na si Jullebee Ranara sa Golden Haven Memorial Park sa C5 Extension, Las Piñas City, Linggo, Pebrero 5. Ayon kay Las Piñas City Police Station chief, P/Colonel Jaime Santos, nasa 20 pulis ang ipinakalat upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa […]
-
Mga nasirang simbahan ng bagyong Odette, ipapagawa ng Caritas Manila
TULUYAN nang maipapagawa ang mga simbahan at chapels na winasak ng bagyong Odette sa 10-diyosesis ng Simbahang Katolika sa Visayas at Mindanao. Ito’y sa tulong ng matagumpay na PADAYON ONLINE CONCERT ng Caritas Manila na pinangunahan ng Viva artists noong March 25,2022 kung ang malilikom na pondo ay ipapagawa sa mga nasirang simbahan. […]