• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippines BEST nakapag-ensayo agad sa Dubai

HANDA  na ang lahat ng miyembro ng Philippines BEST (Behrouz Elite Swimming Team) Killerwhale sa 2022 Hamilton Aquatics Short Course Swimming Championships na lalarga sa Oktubre 22 hanggang 23 sa Hamdan Bin Mohammed Bin Rashid Sports Complex.

 

 

Sabak agad sa ensayo ang 10 miyembro ng delegasyon upang masigurong preparado ang lahat bago sumalang sa pukpukang labanan.

 

 

“We just rest a bit in the morning then went on to training in the afternoon to shake off some rust. Our swimmers are all pumped up and ready to compete,” ani PH BEST delegation head Marilet Basa.

 

 

Nanguna sina Cavite pride Jarold Kesley Ca­mique ng God The Almighty Academy-Dasmariñas at Immaculate Heart of Mary College-Parañaque standout Julia Ysabelle Basa sa dalawang oras na training sa City Towers Hotel swimming pool.

 

 

Kasama rin sina Andrae Kenzie Samontanes, Hannah Mikaela Lim at Louis Andrei Lim ng St. Joseph College of Novaliches; Kathryn Leigh Kier ng Baguio City SPED Center, Lyyld Wynn Robles ng Casa Del Bambino Emmanuel Montessori, Davidmorvyn Gillego ng Holy Trinity School of Padre Garcia, Patricia Celine De Chavez ng Anselmo A. Sandoval Memorial National High School, Reneilly Trinidad ng Calayan Educational Foundation at Master Charles Janda ng Centro Escolar Integrated School Malolos.

 

 

Bantay-sarado nina team head coach Bryan Estipona at assistant coach Christine Keith De Luna ang buong koponan.

Other News
  • PROBLEMA NG TRANSPORT SECTOR PINATUTUKAN KAY PBBM

    ILANG  araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sama-samang nanawagan ang mahigit sampung malalaking transport organizations at cooperative kay Pangulong Marcos na agarang resolbahin ang ibat ibang problemang bumabalot sa sektor ng transportasyon.     Sa isang press conference, lumantad sina Pasang Masda National President Roberto Martin upang […]

  • MMDA: Paghuli at pagtiket sa mga e-bikes, e-trikes simula na

    BABALA pa lamang ang ginawa ng mga traffic enforcer ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority sa mga lumabag sa MMDA Regulation No. 24-002 o ang pagbabawal sa mga e-bikes, e-trikes, tricycles, pedicabs, pushcarts, at kuliglig  sa pagtawid sa mga national roads. “Ang mga lumalabag sa regulasyon ay sinita pa lamang at ipinaalam sa kanila ang regulasyon. […]

  • Modified coding scheme nakatulong sa pagluluwag ng trapiko

    Nakatulong sa pagluluwag ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ang muling pagpapatupad ng modified number coding scheme sa National Capital Region (NCR)       Nabawasan ang trapiko sa kalakhang Manila ng muling ilungsad ang number coding scheme sa rush hours mula 5:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.       […]