UP, NU ayaw bumitaw sa unahan
- Published on October 21, 2022
- by @peoplesbalita
PATULOY ang pagsososyo ng nagdedepensang University of the Philippines at National University sa liderato sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament.
Ito ay matapos talunin ng UP ang University of the East, 84-77, at gibain ng NU ang De La Salle University, 80-76, para sa magkatulad nilang 5-1 record kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.
Isang 15-3 bomba ang inihulog ng Fighting Maroons sa fourth quarter para itayo ang 69-58 kalamangan sa 6:13 minuto.
Ngunit naputol ito ng Red Warriors, may 3-3 marka ngayon, sa 77-80 agwat mula sa dalawang sunod na triples ni CJ Payawal at layup ni Nikko Paranada sa natitirang 15.3 segundo.
Tumipa naman si Steve Nash Enriquez ng 16 points, 3 rebounds at 2 assists para pamunuan ang pagsakmal ng Bulldogs sa Green Archers (3-3), habang kumolekta si John Lloyd Clemente ng 16 points at 10 boards.
“Hopefully coming to second round, improve pa,” ani coach Jeff Napa. “We have to take care like our next game against FEU.”
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng NU na winakasan din ang kanilang 10-game losing skid sa La Salle simula noong 2015.
Nauna nang tinapos ng Bulldogs ang kanilang five-year slump sa Fighting Maroons.
Samantala, umiskor si Kai Ballungay ng season-high na 21 points para sa 76-55 pagdagit ng Ateneo Blue Eagles (4-2) sa Adamson Falcons (2-4).
-
PFL team sisipa na sa ensayo
MAY tatlong Philippine Football League (PFL) team ang magbabalik-praktis na bilang unang hakbang ng liga para sa nalalapit na pagbubukas ng ikaapat na edisyon sa taong ito. Ang grupo na mga atat nang mag-training camp ayon kamakalawa kina Philippine Football Federation (PFF) presidet Mariano Araneta Jr. at PFL commissioner Mikhail Torre, ay ang United […]
-
Oil price rollbacks, nakita sa pagbaba ng presyo ng langis sa World Market- ekonomista
ANG pagbaba sa presyo ng langis sa world market ay isang ‘welcome news’ sa mga mamimili. Inaasahan na mata-translate ito sa mas pagbaba ng fuel costs at sa kalaunan ay mabawasan ang presyur sa inflation. Sa isang news forum sa Quezon City, sinabi ni Rizal Commercial and Banking Corp. (RCBC) chief […]
-
Suporta sa panukalang DPWH district office sa BARMM
SUPORTADO ng isang Mindanaon solon ang panukala ni Pangulong Bongbong Marcos na bumuo ng isang district office para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM para mapabilis ang pag-aayos ng mga nasirang daan at tulay dulot ng bagyong Paeng. Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, napakaraming daan at tulay ang napinsala […]