• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PFL team sisipa na sa ensayo

MAY tatlong Philippine Football League (PFL) team ang magbabalik-praktis na bilang unang hakbang ng liga para sa nalalapit na pagbubukas ng ikaapat na edisyon sa taong ito.

 

Ang grupo na mga atat nang mag-training camp ayon kamakalawa kina Philippine Football Federation (PFF) presidet Mariano Araneta Jr. at PFL commissioner  Mikhail Torre, ay ang United City Football Club, Kaya Football Club at Stallion Football Club.

 

“They are all looking forward to the resumption of training,” ani Araneta, na siya ring chef-de-mission ng bansa para sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan.

 

Ginarantiyahan naman naman ni Torres na nasa ligtas na lugar at kondisyon ang mga manlalaro kikilos.

 

“It’s a matter of reminding them about the safety of the players and the safety of the venue,” sambit niya.

 

Pinayuhan ang dalawang organisasyon at opisyale ni Games and Amusement Board chairman Abraham Kahlil Mitra para sa safety protocols na paiiralin sa training camp.

 

“Each club has their own responsibility to make sure that the players are following safety protocols,” wakas ni Torre. (REC)

Other News
  • Travel restrictions sa 10 bansa, pinalawig hanggang Setyembre 5

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin ang kasalukuyang travel restrictions sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia mula Setyembre 1 hanggang 5, 2021.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang nasabing travel restrictions ay bahagi ng […]

  • Pinaka-highlight ng Israel trip na narating ang Jerusalem: MARIAN, naiyak dahil halos lahat ng station of the cross ay napuntahan nila ni DINGDONG

    HALOS iisa ang tanong at comment sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa naging online mediacon niya.     Ano raw ang reaction niya na magaganda naman ang lahat ng kasama niyang judges sa Miss Universe 2021, pero siya ang walang-dudang pinakamaganda?     Ang dami ngang mga baon na magagandang kuwento at alaala […]

  • Ads June 28, 2024