• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dagdag na wastewater facilities, itatayo ng Manila Water

MAGDARAGDAG ng wastewater treatment plants ang East Zone concessionaire Manila Water para matiyak na ang domestic wastewater mula sa mga kabahayan ay hindi magdudulot ng polusyon sa mga ilog at sa iba pang uri ng katubigan sa bansa.

 

 

Ayon sa Manila Water, ang hakbang ay bilang pagtalima nila sa Philippine Clean Water Act of 2004 na nangangalaga sa kalidad ng lahat ng uri ng katubigan sa bansa mula sa polusyon mula sa land-based sources tulad ng mga pabrika, mga kabayahan at commercial establishments.

 

 

“As Manila Water is committed to provide 24/7 clean and potable water to our customers, we are also focused on protecting the environment by making sure that we properly dispose, treat wastewater and its by-products, as these remain essential elements of our services,” pahayag ni  Manila Water Wastewater Operations Head Donna Perez. Ibat-ibang teknolohiya ang gamit ng wastewater treatment plants ng Manila Water upang mag-treat ang wastes at pollution sa pamamagitan ng mga mekanismo at mga ipinatutupad na proseso. Kasama sa wastewater management ang collection ng sewage at septage mula sa mga bahay at establisimyento.

Other News
  • 100 MEDICAL WORKERS SA NAVOTAS, NABAKUNAHAN NA

    NASA 100 medical workers ng Navotas City Hospital ang unang nakatanggap ng bakuna ng Coronavirus Disease 2019 noong Biyernes sa pangunguna ni Dr. Roan Salafranca, NCH Chief of Clinics.     Tinanggap ng Navotas ang mga bakuna noong Huwebes at dinala sa cold room sa Navotas Polytechnic College.     “Tuwang-tuwa kami at nagpapasalamat na […]

  • Holyfield bagsak sa kamay ni Belfort

    Pinabagsask ni dating mixed martial arts fighter Vitor Belfort si dating boxing champion Evander Holyfield.     Sinamantala ng 44-anyos na Brazilian MMA fighter ang pagiging kahinaan ng 58-anyos na si Holyfield.     Hindi naman kuntento si Holyfield sa naging resulta ng laban.     Magugunitang si Oscar Dela Hoya sana ang makakaharap sana […]

  • Zavier Lucero, UP Fighting Maroons amoy UAAP titulo

    Schedule sa Miyerkoles (Smart Araneta Coliseum) 5:30 pm – Awarding Ceremony 6 pm – AdMU vs UP     Namuro ang defending champion UP Fighting Maroons ang pangalawang sunod na titulo ngayong taon nang bidahan ni Zavier Lucero upang pabagsakin ang Ateneo Blue Eagles, 72-66, sa 85th University Athletic Association of the Philippines men’s basketball […]