• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

450 solo parents tumanggap ng cash aid

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng panibagong tulong pinansyal sa mga kwalipikadong solo parents sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program.

 

 

May 450 Navoteño ang nakatanggap ng P2,000 cash subsidy kasunod ng pag-verify ng kanilang bagong-apply at na-renew na solo parent identification card.

 

 

Kasama sa ikaapat na batch ng mga benepisyaryo si Angelica Ebrole, 33, single mother mula sa Brgy. Sipac-Almacen. Plano niyang gamitin ang perang natanggap niya sa pang-araw-araw na gastusin sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

 

 

“Gagamitin ko ang perang natanggap ko para mabigyan ng sapat na baon ang mga anak ko pagpasok sa eskwelahan.  Nagpapasalamat ako kay Mayor John Rey sa pag-asikaso nya sa aming mga solo parent,” ani Ebrole.

 

 

“Pandadagdag ko po ito sa pambili ng pagkain at school supplies ng mga bata. Malaking tulong po sa amin ang programang ito ni Mayor John Rey,” sabi naman ni Jopel Pastrana, 35, isang single father mula sa Brgy. Navotas East.

 

 

Ang Saya All, Angat All Tulong Pinansyal ng LGU ng Navotas para sa mga Solo Parents ay bahagi ng serye ng mga pandemic recovery programs ng pamahalaang lungsod na naglalayong makinabang ang 1,500 rehistradong Navoteño solo parents ngayong taon.

 

 

“Our social welfare and development office is already preparing for the fifth and final batch of beneficiaries this year.  We encourage Navoteño solo parents to secure their 2022 solo parent ID to qualify for the next payout,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Ang Navotas, sa pamamagitan ng Navotas Vocational Training and Assessment Institute, ay nagsagawa rin ng 5-araw na skills training sa foot spa services upang mabigyan ang mga rehistradong solo parents ng isa pang paraan na maghanap-buhay.

 

 

Ang pamahalaang lungsod, sa pamamagitan ng City Ordinance No. 2019-17, ay nagbibigay din sa mga indigent solo parents ng P1,000 educational assistance kada school year. (Richard Mesa)

Other News
  • Lakers pormal nang ipinakilala ang bagong coach na si Darvin Ham; Russell Westbrook kasama sa nag-welcome

    PORMAL  nang ipinakilala sa publiko ng Los Angelec Lakers ang kanilang bagong coach na si Darvin Ham na nakuha nila na assistant coach mula sa Milwaukee Bucks.     Agaw pansin naman ang presensiya ni LA guard Russell Westbrook na nasa tabi upang magbigay ng suporta sa bagong head coach.     Kung maalala kabilang […]

  • PDA, bawal na muna

    Muling nakiusap ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga magsing-irog na maghinay-hinay muna sa paglalambingan sa publiko habang umiiral pa rin ang quarantine protocols sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.     Ito ang paalala ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana kasabay ng muling paghihigpit ngayong nanunumbalik ang lockdowns sa ilang lugar sa […]

  • DOST, nakipag-sanib-puwersa sa US firm para sa paggamit ng AI para sa weather forecasting

    LUMAGDA ang Department of Science and Technology (DOST)  ng Memorandum of Understanding (MoU) kasama ang  United States-based company, ‘Atmo,’ dalubhasa sa  AI-guided weather forecasting.     Sinabi ni DOST Assistant Secretary Napoleon Juanillo na layon ng departamento na mapahusay at makapagbigay ng mas detalyadong daily weather forecasts sa pamamagitan ng  artificial intelligence (AI) technology   […]