• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Urban gardening at aquaponics project, inilunsad sa Navotas

PORMAL na inilunsad ang Bio-diversified Fitness Project ng Bureau of Fire Protection (BFP), Technical Education And Skills Development Authority (TESDA), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Navotas City.

 

 

Ito ay isang urban gardening at aquaponics project na naglalayong pagyamanin ang environmental sustainability at magsulong ng healthy and active lifestyle sa mga bumbero ng ating lungsod.

 

 

Kabilang sa mga dumalo sa paglulunsad ng naturang proyekto ay si Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Bilang paunang mga binhi ng proyektong ito, nagtanim sila ng lettuce at sili at nagsimulang mag-alaga ng tilapia.

 

 

Samantala, pinasinayaan at pinabasbasan sa pangunguna ni Mayor Tiangco ang bagong Tangos Fire Sub-Station sa B. Cruz St., Brgy. Tangos North. Ang lumang gusali ay pinalitan ng bago na mayroong tatlong palapag at mas modernong mga pasilidad.

 

 

Ayon kay Mayor Tiangco, bahagi pa rin ito ng BFP Modernization sa Navotas upang maging mas handa sa pag-responde ang mga bumbero ng lungsod sa anumang kalamidad o emergency. (Richard Mesa)

Other News
  • Inamin na di kinaya nang laitin ng Pangulo ang Diyos… SHARON, naging emosyonal ang speech at nabanggit sina BBM at SARA

    NAGING madamdamin nga at speech ni Megastar Sharon Cuneta sa naganap na peoples rally nina Sen.  Kiko Pangilinan, at Vice-President Leni Robredo sa Sta. Rosa, Laguna.        Ayon kay Sharon Cuneta naging kaibigan niya noon at ka-close ang presidential candidate na si  ex-Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.       “Among the Marcos […]

  • SANYA, aminadong fan ni GABBY kaya kinikilig

    KINIKILIG na umamin si Kapuso actress Sanya Lopez, sa interview sa kanya ng GMANetwork.com, na hindi pa niya nami-meet nang personal ang magiging leading man niya sa upcoming romcom series nila na First Yaya.   Aminado rin si Sanya na certified fan siya ni Gabby Concepcion, kaya siya kinikilig, dahil hindi niya in-expect na darating […]

  • Isko, Pacquiao, Bongbong pagpipilian ni Duterte

    Tatlong pulitiko ang pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumalit sa kanya sa 2022 presidential elections kung hindi tatakbo ang anak niyang si Davao Mayor Sara Duterte at Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.     Kabilang umano sa mga pagpipilian ng Pangulo  sina Sen. Manny Paquiao, Manila Mayor Isko Moreno at […]