• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SANYA, aminadong fan ni GABBY kaya kinikilig

KINIKILIG na umamin si Kapuso actress Sanya Lopez, sa interview sa kanya ng GMANetwork.com, na hindi pa niya nami-meet nang personal ang magiging leading man niya sa upcoming romcom series nila na First Yaya.

 

Aminado rin si Sanya na certified fan siya ni Gabby Concepcion, kaya siya kinikilig, dahil hindi niya in-expect na darating ang chance na iyon sa kanya.

 

“Yung kilig na tulad sa isang fan, ang kilig ko sa kanya,” paliwanag ni Sanya.

 

“And iyon pong sinasabi ng director namin, si Direk LA Madredejos, huwag ko munang alisin iyon, ‘yung parang fan ako ni Mr. Gabby Concepcion, kasi iyon po daw ang gusto niyang ma-catch kapag nagkita na kami kapag nagsimula na ang lock- in taping namin ng teleserye.”

 

Sa simula ng story vice-president ng bansa si Gabby, at later on magiging president. Magiging yaya ng mga anak niya si Sanya as Yaya Melody. Makakasama nila sa cast sina Pancho Magno, Cassy Legaspi, JD Domogoso at si Ms. Pilar Pilapil.

 

Mapapanood ito sa primetime telebabad ng GMA Network.

 

Sa ngayon ay naghahanda na ang production staff sa pagsisimula ng lock-in taping na io-observe nila lahat ng health protocol requirements, para sa buong cast at production crew na magtatrabahong kasama nila. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • De Leon, Revilla magiging magkakampi na naman uli

    NAAATAT si Philippine Volleyball League (PVL) star Isabel Beatriz ‘Bea’ De Leon ng Choco Mucho Flying Titans na maging kasanggang muli ang kinikilala niyang ate-atehang iniidolo ang tumawid ng nasabing liga na si Dennise Michelle ‘Denden’ Lazaro-Revilla na galling Philippine SuperLiga (PSL).     “Can’t wait to win a championship with you,” sambit ng 24 […]

  • ‘Safe, secure PH’, maiiwang pamana ni Pangulong Duterte- Malakanyang

    SINABI ng Malakanyang na ang maiiwang pamana ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga Filipino ay ang “safe and secure” na Pilipinas.     Ito’y matapos na sabihin ng Commission on Human Rights (CHR) na ang iiwanang pamana ng Pangulo ay ang gobyernong nabigo na magampanan ang obligasyon para protektahan ang karapatang-pantao at mayroong panghihikayat […]

  • Obiena asam makuha ang 6.0 meters

    ANG paglundag sa six meters ang inaasam pa ring makuha ni World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena.     Ito kasi ang laging tina­talon ni World No. 1 at Olympic Games gold me­da­list Armand Duplantis ng Sweden.     Sa ilang ulit nilang pag­haharap ay isang beses lamang tinalo ni Obiena si Duplantis […]