• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Habang naghihintay ang milyong Pinoy para sa kanilang Nat’l IDs, may ilan ang nakakuha ng 2 o higit pa

HABANG naghihintay ang milyong Filipino para sa kanilang PhilID, o National ID cards  na mai-deliver sa kanilang bahay, may ilan naman ang  nagrereklamo sa  printout ng  ePhilIDs, habang ang ilan naman ang nakatanggap ng dalawa o higit pang cards.

 

 

Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na “as of last week”,  74.2 milyong Filipino ang nagpa-rehistro para sa Philippine Identification System (PhilSys), na may 22.5 milyong cards  naman ang naipadala na.

 

 

Sinasabing 22.5 milyong PhilID cards ang naipadala na sa  Philippine Postal Corporation (PhilPost), 17.6 milyon o 78.2% ang nai-deliver sa mga registrants sa buong Pilipinas” as of Oct. 14.”

 

 

Ang PhilID, pangunahing sangkap ng PhilSys, ay nagpahayag na sa loob ng anim na buwan ay maide-deliver nito ang nasabing cards subalit sa kasalukuyan, dahil sa hirap na mag- produce ng PVC cards,  nagdesisyon ang PSA  na magpalabas ng printable version.

 

 

Kaugnay nito, sinabi naman ni national statistician at civil registrar general Dennis Mapa na ang printed ePhilIDs ay ipalalabas sa  PhilSys registration centers, subalit binigyang-diin na ang mga Filipino na nagparehistro ay makatatanggap ng kanilang  PVC cards kahit pa nakatanggap na ang mga ito ng kanilang  printout ePhilIDs.

 

 

Paliwanag pa ni Mapa, mayroon aniyang delay sa printing ng  PVC PhilID cards dahil hindi inaasahan ng PSA  ang mataas na  volume of registrants.

 

 

Mayroong 74.2 milyon ang kumatawan sa 98.7%  ng mga Filipino na ang edad ay may 15 taong gulang pataas.

 

 

Ani Mapa, “only about 51.2 million identities had been through backend verification, while only 45 million “unique” 12-digit PhilSys numbers have been created because of this, “we have a backlog of about 29 million.”

 

 

“The exceptional pace of meeting the registration target created a substantial gap among the accomplishment rates of the registration which is moving very fast, the backend identity verification, and subsequently the delivery of the PhilIDs,” ang wika ni Mapa.

Other News
  • Super Suwerte hinahanap ng bayang karerista sa PGC

    KABADO ang mga tagasunod ni Super Suwerte dahil nasa reserve list lang sa nakatakdang 2020 Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa darating na Linggo, Disyembre 27.   Nasa 15 kabayo ang naghayag ng intensiyong lumahok sa prestihiyosong karera. Pero 14 lang ang mga tatanggaping entry.   Sa kapapaskil ng […]

  • After na dalhin ng Globe sa ‘Pinas si Kim Seon Ho… ‘Tomorrow’ star na si RO WOON, magkakaroon ng exclusive KmmunityPh Fan Meet

    LAST month we’ve celebrated all things hallyu at the Kamsahamnida Festival, and got thrilled by Kim Seon Ho at his debut as KmmunityPH ambassador       Ngayon, humanda na for more excitement as Globe’s ultimate K-culture community continues para sa third anniversary celebration with another special surprise, ang actor na si RO WOON na […]

  • Pres. Duterte may tulong na ibibigay sa mga locally stranded individuals

    Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Transportation (DoTr) Secretary Arthur Tugade, na gumawa ng paraan para magkaroon ng maraming upuan sa mga Ninoy Aquino International Airport para ang mga stranded na pasahero na gusto ng umuwi.   May kaugnayan ito sa maraming mga locally stranded individuals na doon na sa gilid ng kalsada […]