PDu30, ayaw sa reenacted budget
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
Gustong maipasa ang P4.5-trillion national budget bago ang Oktubre14.
SINABI ng Malakanyang na nais nitong maipasa ng Kongreso ang P4.5-trillion national budget bago ang Oktubre14.
Ayaw kasi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang reenacted budget pagsapit ng taong 2021.
Sinabi ni Presidential Spokes- person Harry Roque kapag naipasa ang national budget ay siguradong mapipirmahan na ito ng Pangulo sa Disyembre at magiging epektibo na ito sa Enero.
Napag-alaman na ilalaan ang malaking bahagi ng 2021 na- tional budget sa mga programa na nakatuon sa pag-ahon ng bansa mula sa idinulot na krisis ng COVID-19 pandemic.
Nauna rito, nagpahayag ng pangamba ang economic team ng Pangulo sa magiging kapalaran sa P4.5-trillion budget dahil sa agawan sa kapangyarihan sa mababang kapulongan.
Sa ulat, inakusahan ni incom- ing House Speaker at Marinduque Representative Lord Allan Velasco si incumbent House Speaker Alan Peter Cayetano na hino-hostage ang 2021 national budget upang mapanatili ang sarili sa puwesto.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Velasco na sa halip na matutukan ng Kamara ang trabaho, natabunan na ng pulitika at drama ang pagtalakay sa panukalang budget para sa susunod na taon.
Ayon kay Velasco, walang ibang pakay ang mga nangyayaring pag- atake at panggugulo sa House of Representatives kundi ang mapanatili ang mga personal na agenda kapalit ng agarang pagpasa sa 2021 national budget.
Kasunod nito, nananawagan si Velasco sa kanyang mga kapwa mambabatas na magpatuloy sa pagtatrabaho at ipasa ang national budget bago ang ika-14 ng Oktubre.
Una nang iginiit ni AnaKalusugan Party-list Representative Mike De- fensor na kilalang kaalyado ni Cayetano na kaya nilang maipasa sa ikalawang pagbasa ang panukalang national budget bago mag-recess ang kongreso. (Daris Jose)
-
Ads June 7, 2023
-
Sobrang down-to-earth ang Korean superstar: PARK HYUNG SIK, pinakilig nang husto ang Pinoy ‘SIKcret agents’
SULIT at super enjoy kami sa panonood for the first time ng fan meet ng isang Korean superstar na si Park Hyung Sik, ang lead actor ng K-drama na Doctor Slump na napapanood ngayon sa Netflix Philippines. Sa naturang rom-com series kasama niya ang Korean actress na si Park Shin-hye. Ang matagumpay na […]
-
Nire-recruit na maging part sa pagpuksa sa ‘dogs slaughter’: KORINA, nagpaka-fangirl kay RAYMOND at nalamang dream maging ‘superhero’
NAGPAKA-FANGIRL si Korina Sanchez at may nalaman siya tungkol sa lovelife ni Raymond Bagatsing. “I admit. I admire only a few actors. Ilan lang na artista ang hinahangaan ko. And bilib ako kay Raymond Bagatsing”, ayon sa veteran broadcaster sa kanyang recent interview with the award winning actor. Sino ba ang […]