• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May pakiusap na tigilan na ang pagko-comment sa dalawang luxury brands: SHARON, pinuri ng mga netizens sa simpleng cellphone na regalo kay MIGUEL

PINUPURI ng mga netizens at followers si Megastar Sharon Cuneta sa Instagram niya post tungkol sa kanyang son na si Miguel na turning 13 na pala this week.

 

 

Makikita nga ang larawan ni Miguel, na ang ganda ng ngiti habang hawak-hawak ang bagong cellphone niya.

 

 

Caption ni Sharon, “Someone is turning 13 on Oct.29 (and 27.😂 He likes “having two birthdays!”) and got a new, simple phone! All my kids started with simple cellphones!

 

 

“Look how happy he was to finally get one!❤️❤️❤️”

 

 

Kaya say ng mga netizens, “ang old school nga nitong phone n ito mega! 😂😂😂”

 

 

“Gugie’s simplicity is extreme even though we all know that he comes from a well-known and elegant family, especially his mom The Megastar Sharon Cuneta herself who is known by many and one of the most respected actress in our country. 🙌❤️ *hands down*”

 

 

“I really love the way you & Sen. Kiko raised your children ♥️”

 

 

“How time flies! Binata na si Miguel 😊”

 

 

Marami rin ang naka-relate dahil pareho raw ang cellphone ng kanilang anak o kaya’y ganun ka-simple ang kanilang first cp

 

 

“wahahahahhaa pareho kami!!! inaanak ko nga sya 2 birthdays!!!”

 

 

“same with my son. he is 14 and has the same phone!”

 

 

“Miguel palaro naman ng snake. Hahaha!”

 

 

To think, na kayang-kaya naman nilang bigyan ng high-end cellphone si Miguel, pero hindi talaga nila ginawa, kaya tunay ngang kahanga-hanga.

 

 

Next naman na pinost ni Mega ang pagdating ng kanyang pamilya na sina Sen. Kiko Pangilinan, Frankie, Miel at Miguel sa Sydney, Australia, na kung saan meron din siyang concert.

 

 

Sabi niya, “Upon their arrival in Sydney while i was still in Perth! It’s my babies’ first time here and they are loving it so much! I brought KC here when she was about 6 years old. Missing big Ate! ❤️❤️❤️@kristinaconcepcion.”

 

 

Dagdag post pa ni Sharon at muling tinag si KC na talagang nami-miss niya na sana’y kasama rin nila ngayon sa Australia, “I wasn’t in Sydney yet when they arrived and managed to see some koala bears, kangaroos, wombats, and quokkas at the zoo!❤️ @kristinaconcepcion Remembering Tina when she was small and saw them for the first time here too!”

 

 

Sa latest post naman ni Mega, hindi rin kinalimutang i-promote ang new episode ng kanyang vlog na ‘The Sharon Cuneta Network’ sa YouTube, na may titulong ‘Mega Unboxing Seoul Haul, na kung saan ipakikita niya ang mga nabili lalo na sa Prada at Louis Vuitton and promise, last shopping na raw niya ito.

 

 

May pakiusap din si Mega na, “tigilan na natin ang pagko-comment sa Hermes at Vuitton, nananahimik ang mga tindahan, ginugulo natin, nakakahiya naman.”

 

 

Abangan na lang natin ang kabuuan ng vlog na ito ni Mega na for sure, pag-uusapan na naman.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • DOH pinaghahanda sa lalo pang maluwang na Alert Level 2

    Pinaghahanda na ng Department of Health ang lahat ng local government units (LGUs) sa Pilipinas na maghanda sa dahan-dahang pagluluwag pa lalo ng COVID-19 restrictions kasunod ng lalong pagbaba ng mga kaso nationwide.     Ang nabanggit ay sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos banggitin ni Interior spokesperson Jonathan Malaya na posibleng ilagay […]

  • Subi Reef, ‘anchoring hub’ ngayon ng mga barko ng tsino sa WPS

    NAGSISILBI ngayong ‘anchoring hub’ ng Chinese ships ang Subi Reef sa West Philippine Sea (WPS).     Ito ang naging pahayag ni Philippine Navy (PN) spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad bilang tugon nang hingan ng komento ukol sa patuloy na presensiya ng Chinese ships sa Ayungin Shoal, Escoda Shoal at Pagasa […]

  • 4 na lalaking lumabag sa ordinansa, kulong sa droga

    HIMAS-REHAS ang apat na kalalakihan nang makuhanan ng illegal na droga makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa city ordinance sa magkahiwalay na lugar sa Lungsod ng Caloocan.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-12:40 ng madaling araw, nagsasagawa ng anti-crimility patrol ang mga tauhan ng Police Sub-Station […]