• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

At peace at masaya na ang buhay sa Amerika: TOM, may pakiusap na ‘wag nang banggitin ang pangalan ni CARLA

DAHIL sa pandemic, nauso ang reunion ng mga dating musical groups noong ’70s, ’80s at ’90s. 

 

 

At isa sa mga gusto sanang mag-reunion ng ilang OPM lovers ay ang APO Hiking Society na binubuo nila Danny Javier, Jim Paredes at Boboy Garovillo.

 

 

Sa naging Zoom mediacon ng teleserye na Unica Hija kunsaan kasama sa cast si Boboy, tinanong namin siya kung may possibility ba na magkaroon ng reunion ang APO dahil marami nang nakaka-miss sa kanilang mga hit songs noon tulad ng “Batang-Bata Ka Pa”, “Panalangin”, “Awit Ng Barkada”, “Yakap Sa Dilim”, “Ewan”, “Kaibigan”, “Pumapatak Ang Ulan”, “Mahirap Magmahal Ng Syota Ng Iba”, “Nakapagtataka”, “Blue Jeans”, “Anna”, “When I Met You” at ang Christma songs nila na “Tuluy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko”, “12 Days of Pinoy Krismas”, “Paskong Walang Pera” at “Pasko Na Sinta Ko”.

 

 

Naging honest si Boboy na hindi na raw mabubuo ang trio ng APO dahil sa pinagdadaanan ngayon ni Danny Javier. Noong 2011 ay muntik nang mamatay si Javier dahil sa magkakasunod na sakit na dumapo rito tulad ng pneumonia, kidney failure, liver collapse, hepatitis A, emphysema, congestive heart failure and sepsis. Recovering naman daw si Javier pero hindi na raw ito makakapag-perform.

 

 

“Si Jim is in Australia, but a lot of times, he’s also here in Manila. Still doing his writing songs and all. Danny is not well. He’s medyo may kahinaan, may karamdaman, so he is recovering. Pero yung reunion, mukhang malabo yun because hindi na possible. Minsan, kami ni Jim, we accept invitations, mga private invitation, parties. Dumadayo naman kami,” sey ni Boboy.

 

 

Nasanay na raw sa lock-in taping si Boboy dahil sa kinabilangan niyang teleserye na ‘First Yaya’ and ‘First Lady.’ Lagi raw siyang may dalang gitara at tinutugtugan niya ang mga kasama niya sa taping.

 

 

“Kaya tuwang-tuwa ako sa mga teleserye kasi kapag nagdadala ako ng gitara, nakikipag-jam sa akin ang mga kabataan na kasama ko sa cast. Nag-e-enjoy lahat kami. Nakakasabay naman sila kasi alam din nila yung mga songs namin,” ngiti pa ni Boboy na gaganap na ama ni Katrina Halili sa Unica Hija.

 

 

***

 

 

MAY pakiusap si Tom Rodriguez sa mga followers niya sa social media.

 

 

Ito ay huwag nang banggitin ang pangalan ng ex-wfe niyang si Carla Abellana.

 

 

At peace na raw kasi ang aktor at masaya na ang buhay niya sa Amerika. Nag-share pa nga si Tom ng isang video habang nagmamaneho ito sa Las Vegas na may caption na “Vegas dust storm vibes :)”

 

 

May mga nagpaalala kasi kay Tom na mga netizens ng sana’y first wedding anniversary nila ni Carla noong nakaraang October 23. Nagkasunud-sunod tuloy ang pagbati kay Tom.

 

 

Sinagot naman ni Tom ang naturang netizen ng: “‘Wag na po natin ibanggit ang name dito sa page ko. Thank you. We are no [longer] together and are moving onto own paths.”

 

 

June noong aminin ni Tom na divorced na siya kay Carla: “I accepted her decision that it is time to move forward, independent from each other.”

 

 

Naka-base na si Tom sa US at uuwi lang daw siya ng Pilipinas kapag may trabaho na siyang gagawin. Sumasama naman siya sa mga US shows para sa mga Pinoy ng GMA Pinoy TV. Huling siyang napanood sa isang show with Ai-Ai delas Alas sa California.

 

 

Nag-post din si Tom ng isang video sa IG na nagwu-workout siya. Nagbabaik-alindog nga ang aktor pagkaraang ng ilang buwan na nagkasakit siya.

 

 

“Sorry for spamming your feed with these vain posts specially since I’m still puny…but after 6 months of feeling weak and having no energy, being short of breath after a few steps, not able to hold anything down, I can’t get over how good I am feeling in my own skin 🙂 it finally feels like my mind, body and spirit are starting to work in harmony again,” caption pa ni Tom sa kanyang pa-yummy na video dahil shirtless siya at pine-flex ang kanyang muscles at pinapakita ang abs niya.

 

 

***

 

 

SA programang ‘The Boobay and Tekla Show’, kinumpirna ni Carla Abellana na malayang-malaya na siya.

 

 

Hindi man nabanggit sa show, pero opisyal na nga siyang divorce sa ex-husband na si Tom Rodriguez.

 

 

Tanong sa kanya ni Boobay: “Ikaw ba, malaya ka ba?”

 

 

Mabilis na sagot ni Carla” “Aba’y dapat malaya! Malaya tayo!”

 

 

Tanong naman ni Super Tekla: “Wild and free, ganon?”

 

 

“Ah, hindi naman yung wild, free lang. Malaya. Para bang maganda na isipin mo ang sarili mo, ipagtanggol mo ang sarili mo,” paglilinaw ni Carla.

 

 

Napag-usapan din ang mga tattoo na ipinalagay ni Carla sa kanyang katawan. Kabilang dito ang isang maliit na pulang puso sa kanyang tainga. Mataas daw ang tolerance sa pain ng aktres kaya kinaya niya ang magpa-tattoo sa sensitibong parte na iyon.

 

 

Tanong ni Boobay: “How do you deal with pain?”

 

 

“Pain na lang naman ang pag-uusapan, mataas ang tolerance ko sa pain, totoo ‘yan. Pero hindi naman din, alam mo ‘yun, ‘yung masokista ka na. Basta kapag may masakit, hangga’t kaya mong tiisin, tiis lang. Alam mo namang hindi rin magtatagal ‘yan,” diin pa ni Carla.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • P9M talent fee ni Yorme Isko, ibinili ng tablets ng UDM students

    IPINAMBILI ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng tablets para sa mga estudyante ng Unibersidad de Manila (UDM) ang aabot sa may P9 milyon talent fee buhat sa pagmo-modelo.   Ayon sa alkalde , ibinigay nila ni Vice Mayor Honey Lacuna ang mga tablet bilang donasyon kay Malou Tiquia, president ng UDM, kasabay ng […]

  • Get Ready for Ryan Coogler & Michael B. Jordan’s Thrilling New Horror “Sinners”

    ACADEMY Award-nominated director Ryan Coogler teams up once again with the electrifying Michael B. Jordan for a hair-raising, psychological thriller, “Sinners,” that offers to take audiences on a spine-tingling journey into the dark and twisted corners of a seemingly sleepy town. Starring Michael B. Jordan in a dual role, this upcoming film is set to […]

  • LTFRB: Naglalagay ng “mystery passengers” sa mga PUVs

    NAGLALAGAY ng “mystery passengers” ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pampublikong sasakyan upang matutukan mabuti ang pagpapatupad ng “no vax, no ride” polisia ng Department of Transportation (DOTr).       Sa isang memorandum na nilagdaan ni DOTr Secretary Arthur Tugade, ang mga pasahero ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila […]