DSWD, may sapat na pondo para sa calamity assistance hanggang matapos ang 2022
- Published on October 29, 2022
- by @peoplesbalita
MAY sapat na pondo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para suportahan ang calamity-stricken areas hanggang matapos ang taong 2022.
“As of today mayroon tayong available pa na mahigit P1.4 billion na pondo for stockpiles at standby funds ng ahensya at mahigit P450 million dito ay available standby funds para dito sa ating central office at field offices,” ayon kay DSWD Undersecretary Eduardo Punay sa isang public briefing.
“So handa po tayo at meron po tayong pondo hanggang sa katapusan po ng taon para rumesponde sa pangangailangan ng ating mga kababayan na maapektuhan po ng mga bagyo at ng mga kalamidad,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, sinabi ni Punay na nagsimula na ang DSWD na mamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng magnitude 6.4 earthquake sa Abra, araw ng Martes.
Sa Dingras, Ilocos Norte, sinabi ni Punay na nagbigay ang DSWD ng financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program sa 8 pamilya kung saan ang mga bahay ay nawasak ng malakas na paglindol.
Nagbigay naman ang DSWD ng P5,000 halaga ng financial aid sa 7 katao sa Abra na nasaktan noong mangyari ang lindol.
May kabuuang 236 family food packs na nagkakahalaga ng P160,000 ang ipinamahagai sa mga naapektuhan sa Abra, at modular tents para sa mga ito.
“As of Thursday” tinuran ni Punay na may P198,000 halaga ng humanitarian assistance ang naibigay sa mga earthquake victims.
“As of 6 a.m., 22 families or 76 individuals were in three evacuation centers in Region 1 and in the Cordillera Administrative Region,” ayon kay Punay.
Aniya, nakapagtala sila ng 183 pamilya o 403 indibidwal na na-displaced dahil sa lindol. (Daris Jose)
-
Ads September 1, 2022
-
3 biktima ng human trafficking naharang sa NAIA
HINARANG ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong babaeng pasaherong patungong Lebanon na nagtangkang umalis sa pagkukunwari bilang mga turista. Sinabi ni BI Commissioner Noman Tansingco, ang tatlong babae ay pinigil sa pag-alis sa kanilang mga flight matapos nilang aminin na sila ay papuntang Lebanon at […]
-
Booster shots sa healthcare workers sa Quezon City, lumarga na
Umarangkada na rin ang pagbibigay ng booster shots ng Quezon City government sa mga healthcare workers kahapon. May inisyal na 5,000 healthcare workers at non-medical personnel sa health facilities ang bibigyan ng booster shots mula kahapon hanggang sa Biyernes sa ibat- ibang vaccination sites sa Rosa Susano Elementary School, Pinyahan Elementary School at […]