• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matibay na pagkakaibigan ng Pinas at China, binigyang diin ni PBBM sa ginanap na ground -breaking ceremony Samal Island-Davao City Connector bridge project

IBINIDA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tibay ng bilateral relations sa pagitan  ng Pilipinas at  China.

 

 

Sa isinagawang ground -breaking ceremony  sa Samal Island-Davao City Connector bridge project, sinabi ni Pangulong Marcos na ang nasabing proyekto ay isang patunay ng magandang relasyon ng dalawang bansa.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo, tinuran nito na  noon  pa man ay isa ng dependable partner ang China lalo na sa infrastructure program.

 

 

Marami na aniyang naitulong ang China na ganitong kahalintulad na mga proyekto na aniya’y nakapagbibigay at magbibigay pa ng benepisyo sa mga tao at ekonomiya.

 

 

Sinabi pa ng Chief Executive na umaasa rin siyang magpapatuloy ang partnership ng Pilipinas at China na aniya’y lalong magpapalapit sa bilateral relations ng dalawa.

 

 

Samantala, ang  konstruksyon ng Samal Island-Davao City Connector bridge ay popondohan sa pamamagitan ng loan agreement sa pagitan ng Pilipinas at  China. (Daris Jose)

Other News
  • Pinas, pinag-iisipan na itaas ang alert level sa ilang lugar sa Israel

    PINAG-IISIPAN ng  Department of Foreign Affairs (DFA) na itaas ang  alert level sa ilang lugar sa Isarel na kasalukuyang nahaharap sa giyera sa Hamas.  “Maaari sigurong gawin by level, by area. Doon Alert Level 3, doon Alert Level 2 after the discussion with the President,” ayon kay Undersecretary Eduardo De Vega. Sa ngayon, nasa  Alert […]

  • Charles III, nagpaabot kay PBBM ng “warmest felicitations” para sa ina nitong si Unang Ginang Imelda Marcos

    SINABI ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  na magkakilala ang kanyang ina na si Unang Ginang Imelda Marcos at  King Charles III.     Sa katunayan aniya ay tinanong at kinamusta ni King Charles III ang kanyang ina sa idinaos na coronation  nitong weekend.     Ikinuwento ng Pangulo na matagal ng magkakilala ang kanyang ina […]

  • May badyet bago matapos ang taon – Speaker Romualdez

    SINIGURO  ni Speaker Martin Romualdez ngayong Biyernes kay Presidente Bongbong Marcos at sa buong bansa na magkakaroon ng “Agenda for Prosperity national budget” bago matapos ang taon.     Ang paniniguro ay ginawa ni Romualdez kasunod na rin nang pagsisimula ng kamara at senado para mapagtugma ang kani-kanilang bersiyon ng panukalang P5.268-trilyong 2023 budget sa […]