• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

110 na ang nasawi, 101 sugatan, 33 missing sa hagupit ng bagyong Paeng – NDRRMC

UMAKYAT na sa 110 ang bilang ng mga indibidwal na nasawi sa pananalasa ng bagyong Paeng.

 

 

Ito ay batay sa latest data na inilabas ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC0 nitong umaga ng Martes.

 

 

Pinakamarami sa napaulat na nasawi ay nanggaling sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nasa 59.

 

 

Nakapagtala din ang Region 6 ng 22 fatalities; 12 galing sa Calbarzon; 5 sa Region 8; 4 sa Region 9; nasa 3 ang nagmula sa Region 12; 2 mula sa MIMAROPA at tig-isa sa CAR, Region 5 at Region 7.

 

 

Sa naturang bilang, 79 pa lang ang kinukumpirmang nasawi na may kinalaman sa bagyo habang 31 ang for validation pa.

 

 

Maliban diyan, may napaulat din na 101 nasugatan at umaabot sa 33 ang nawawala dahil sa bagyo.

 

 

Isinailalim na rin sa state of calamity ang BARMM, tatlong probinsiya at anim na siyudad at munisipyo.

 

 

Tumaas din ang bilang ng mga indibidwal na apektado sa pananalasa ng bagyo.

 

 

Sa datos ng NDRRMC umabot na sa 741,777 na pamilya o katumbas ng mahigit 2.4 million indibidwal mula sa 17 rehiyon sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • MAGKAPATID NA OPISYAL INARESTO SA PASTILLAS SCAM

    INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang opisyal ng ahensya at kapatid nito na personnel naman ng Bureau of Immigration (BI) sa alegasyon ng pagkakasangkot sa manipulasyon at pangingikil sa imbestigasyon ng NBI kaugnay sa pastillas scam.   Nabatid na inaresto ng NBI Special Action Unit  ang hepe ng NBI Legal Assistance Section […]

  • SERIAL KILLER SA TONDO, FAKE NEWS– Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan

    “FAKE news.”     Ito ang pahayag ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan hinggil sa kumakalat na balita sa social media na may lumilibot na “serial killer” sa Maynila partikular na sa Tondo.     Sa ginanap na pulong balitaan sa Bulwagan Antonio Villegas sa Manila City Hall na pinangunahan nina Lacuna kasama sina […]

  • 3 Pinoy pa nananatili sa Gaza

    TATLONG Filipino pa ang nananatili sa Gaza kabilang ang mag-ama na nasa ospital.     Umaasa naman si Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega sa panayam ng ANC na mabibigyan ng pantay na proteksyon at tulong ang lahat ng residente ng Gaza maging ang kanilang foreign nationals.     Nagpahayag din ng […]