MAGKAPATID NA OPISYAL INARESTO SA PASTILLAS SCAM
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang opisyal ng ahensya at kapatid nito na personnel naman ng Bureau of Immigration (BI) sa alegasyon ng pagkakasangkot sa manipulasyon at pangingikil sa imbestigasyon ng NBI kaugnay sa pastillas scam.
Nabatid na inaresto ng NBI Special Action Unit ang hepe ng NBI Legal Assistance Section na si Chief Atty. Joshua Capiral at kapatid na si Christopher Capiral na immigration officer.
Si Atty. Capiral ay siya umanong in charge sa pagsusuri ng imbestigasyon ng Special Action Unit (SAU) sa kontrobersyal na pastillas scam kung saan may kapangyarihan ito kung sino ang irerekomendang maisama o hindi sa kaso na mga immigration officers para sa SAU findings at sariling rekomendasyon.
Kinumpirma naman ni Atty. Ferdinand Lavin, ang deputy director at tagapagsalita ng NBI, na naaresto nga ang magkapatid dahil sa nasabing alegasyon.
Sa akusasyon,tumatanggap daw ng bribe si Atty. Capiral para makalusot ang immigration officer na nahaharap sa kaso dahil sa Pastillas Scandal. (GENE ADSUARA)
-
Gobyerno, binatikos ang US report ukol sa human rights situation sa Pinas
KINASTIGO ng gobyerno ang pinagsama-samang report ng US State Department hinggil sa human rights situation sa buong bansa kabilang na ang extensive entry sa Pilipinas. Sinabi ni Communications Secretary at acting presidential spokesperson Martin Andanar na ang findings o natuklasan sa Pilipinas sa 2021 Country Reports on Human Rights Practices ay “ nothing […]
-
DEPRESYON AY KAMATAYAN
NITONG nakalipas na linggo, halos sunud-sunod ang naiulat na kaso ng pagpapakamatay na kabilang sa pinakahuling naitala ay ang estudyanteng lalaki na tumalon mula sa pinakatuktok ng gusali ng isang city hall. Tulad ng inaasahan, mabilis na kumalat ang balita sa pamamagitan ng social media kung saan bukod sa mga larawan ay may video […]
-
UAAP: Nangunguna ang UST sa men’s table tennis
Sumandal ang University of Santo Tomas (UST) sa clutch experience ni super senior Alvin Sevilla para talunin ang University of the Philippines (UP), 3-1, at kumpletuhin ang three-tie romp sa Day 1 ng UAAP Season 85 collegiate table tennis tournament , Linggo sa Makati Coliseum. Samantala, nasungkit ng De La Salle University at Far […]