• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos Jr: Tiyaking may kasamang mga gamot ang relief package

PINATITIYAK ni ­Pangulong Ferdinand R. Marcos nitong Martes ang pagbalangkas ng ­standard operating procedure (SOP) para sa pagsasama ng mga gamot sa mga relief pac­kage sa oras ng kalamidad at emergency.

 

 

Ayon sa Pangulo, ­ilang araw pagkatapos ng isang kalamidad, ang mga apektadong indibidwal ay naghahanap ng mga over-the-counter na gamot katulad ng paracetamol at anti-­diarrhea.

 

 

“That’s one aspect of it na hindi masyadong naaatensyunan. Paano tayo makapag-provide ng gamot? Like (what) the Maguindanao Governor Bai Mariam is saying. Simple lang naman. Kasi nakabilad sila (apektadong residente)… basa sila nang matagal, nilalagnat ‘yung mga bata,” punto ni Marcos.

 

 

Binigyang-diin din ni Marcos ang kahalagahan ng pagbibigay ng mga maintenance na gamot sa panahon ng kalamidad.

 

 

“Pero ‘yung matatanda, ‘yung mga may maintenance, delikado talaga sila pagka mga one week na hindi sila naggagamot, it starts to really affect them,” ani Marcos.

 

 

Binanggit ng Pangulo na ang mga ganitong uri ng gamot ay dapat na ­inireseta o ibigay ng health department, mga doktor at mga parmasya.

 

 

“So let’s put together an SOP for that para may kasama tayong gamot,” anang Pangulo.

 

 

Bago magtungo sa briefing, pinangunahan ng Pangulo ang isang aerial inspection sa lalawigan ng Maguindanao. Pinangunahan din niya ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya sa lugar.

 

 

Libu-libo dumagsa pa rin sa Manila North at South cemetery

 

 

Sa kabila ng masama pa ring panahon dahil sa pagpasok ng panibagong bagyo, dumagsa pa rin ang libu-libong bisita sa Manila North at South cemeteries sa Maynila kahapon.

 

 

Sa Manila South Ce­metery, umabot  sa 204,500 ang tinatayang naging bisita nito dakong alas-5 ng hapon.

 

 

Sinabi ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen Andre Dizon na naging maayos naman ang daloy ng tao kahit na tanging ang main entrance ng MNC ang kanilang binuksan.

 

 

Naging mahigpit sa pagpapasok ang mga bantay nang 63 indibidwal na karamihan ay mga bata ang hindi papasukin.

 

 

Kahapon, alas-5 ng ­umaga nang muling buksan ang gate ng MNC at muling isasara sana ng alas-5 rin ng hapon ngunit nagbigay ng ekstensyon ng 30 minuto.

 

 

Humingi ng pang-unawa si Dizon sa mga naapektuhan ng limitasyon sa oras na itinakda ng lokal na pamahalaan ng Maynila at ipinatutupad ng pulisya.

 

 

Nasa 500 pulis ang ikina­lat nila sa iba’t ibang istratehikong lugar na mahigpit na nagbantay sa mga pasaway tulad ng mga nag-iingay, naninigarilyo at nagsusugal.

 

 

Hindi naabot ang inaasahang bilang ng bibisita na isang milyon.

 

 

Sinabi naman ni Sta. Cruz Police Station commander, P/LtCol Ramon Solas na may epekto ang naturang oras sa mas maliit na bilang ng tao kumpara noong pre-pandemic dahil sa naiiwasan na ang mga nagpapagabi.

 

 

Dagdag na factor din ang bagyong Paeng at ang bagyong Queenie. (Daris Jose)

Other News
  • Trabaho ng Equestrian PH, patuloy lang – Coscoluella

    PATULOY na itataguyod ng Equestrian Philippines ang sport kahit na may ibang sports association na kinikilala ang Philippine Olympic Committee (POC).   Sa katunayan ay kumakayod ang EquestrianPH upang makadiskubre pa rin at makapagkaloob ng tamang pag-eensayo para sa mga international champions gaya na nina Marie Antointte ‘Toni’ Leviste, Joker Arroyo at Colin Syquia.   […]

  • Dingdong, Marian, Alden at Julia, pararangal: GLADYS, LA at JC, waging best supporting actress at actor sa ‘40th Star Awards for Movies’

    INILABAS na ng PMPC ang partial list ng mga nagwagi sa minor at technical categories ng 40th Star Awards for Movies.     Kasama na rin ang special awards sa pangunguna nina Alden Richards at Julia Montes na nanalong Movie Loveteam of the Year para sa pelikulang “Five Breakups And A Romance” at pagbibigay ng […]

  • Rider todas, angkas kritikal sa hit and run ng trailer truck

    NASAWI ang isang rider habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang angkas matapos ma hit and run ng isang trailer truck sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Cristopher Endrac, 22, ridge sling man ng TBSCY Container Yard, at residente […]