• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo kakasa sa 4 na finals event sa World Championships

NAGPAPARAMDAM  na ng puwersa si Tokyo Olympics veteran Carlos Edriel Yulo matapos pumasok sa finals ng apat na events sa prestihiyosong 51st FIG World Artistic Gymnastics Championships na ginaganap sa Liverpool, England.
Inilatag ni Yulo ang pinakamalakas na puwersa nito upang masiguro ang pag-entra sa finals kabilang na ang kanyang paboritong floor-exercise event.
Nanguna si Yulo sa floor exercise kung saan nakalikom ito ng 15.266 puntos mula sa 6.400 difficulty at 8.866 execution.
Pumangalawa naman si Yulo sa vault tangan ang 14.849 puntos laban sa nangunang si Artur Dav­tyan ng Armenia na may 14.900 puntos.
Si Yulo ang reigning champion sa vault event.
Pasok din sa finals si Yulo sa parallel bars kung saan naglista ito ng 15.300 puntos sapat para makuha ang No. 4 seed sa naturang event.
Sa kabuuan, puma­ngatlo si Yulo sa all-around event bitbit ang kabuuang 84.664 puntos para ma­ging ikaapat na event na nakaabante ito sa finals.
Masaya si Yulo sa kanyang performance ngunit hindi pa dapat magdiwang dahil qualifying pa lamang ito.
Umaasa si Yulo na mas mapapaganda pa nito ang kanyang performance sa finals upang makahirit ng gintong medalya.
“It’s a really good result but it’s just qualifying. I’m not boasting, it’s just not the final. If I can do it in the final then maybe I can be satisfied,” ani Yulo.
Kabilang sa mga tututukan ni Yulo ang rings, horizontal bar at pommel horse kung saan hindi ito nakapasok sa finals.
Nagkasya sa ika-10 si Yulo sa rings (14.066) habang ika-31 naman sa horizontal bar (13.533) at ika-102 sa pommel horse (11.766).
Nangako si Yulo na ibubuhos ang lahat ng kanyang lakas sa finals para masigurong makapag-uuwi ito ng medalya.
Other News
  • Laguesma, Ople, Balisacan kasama sa gabinete ni Marcos Jr.

    TINANGGAP ng tatlong indibidwal ang alok sa kanila na maging bahagi ng incoming Cabinet ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos Jr., na tinanggap ni dating Labor secretary Bienvenido “Benny” Laguesma ang alok na pamunuan ang Department of Labor and Employment (DOLE) at overseas Filipino […]

  • Budget para sa pasuweldo at iba pang benepisyo ng mga government workers sa susunod na taon, sapat –DBM

    SAPAT ang pondo ng Department of Budget and Management sa mga kawani ng pamahalaan na may budget ang pamahalaan para pondohan ang pasuweldo para sa kanila sa 2021.   Ayon kay DBM Secretary Wendel Avisado, umasa ang mga government workers na sa kabila ng mahirap na sitwasyon ngayon na hindi pa gayung kalakas ang koleksiyon […]

  • Lawyer-vlogger Trixie Cruz-Angeles tinanggap na ang alok ni Marcos na maging press secretary

    NAPILI para susunod na pamunuan ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) si radio commentator, lawyer at pro-Duterte blogger na si Atty. Rose Beatrix Cruz-Angeles (Trixie Cruz-Angeles).     Ito ang kinumpirma ng kampo ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Ang pangunahing gawain ni Cruz-Angeles ay ang pangasiwaan ang mga operasyon ng PCOO […]