Budget para sa pasuweldo at iba pang benepisyo ng mga government workers sa susunod na taon, sapat –DBM
- Published on September 3, 2020
- by @peoplesbalita
SAPAT ang pondo ng Department of Budget and Management sa mga kawani ng pamahalaan na may budget ang pamahalaan para pondohan ang pasuweldo para sa kanila sa 2021.
Ayon kay DBM Secretary Wendel Avisado, umasa ang mga government workers na sa kabila ng mahirap na sitwasyon ngayon na hindi pa gayung kalakas ang koleksiyon ng gobyerno ay sapat naman ang inilagay na miscellaneous services and benefit fund para sa mga empleyado ng pamahalaan.
Aniya, walang matatanggal na kawani ng gobyerno at walang retrenchment na magaganap.
Wala rin aniyang dapat na alalahanin ang mga government workers gayung sapat aniya ang pondo na kanilang inilagay para sa sahod ng lahat ng mga kawani ng pamahalaan.
Sa katunayan, inihayag ni Avisado na maaari pa ngang makapag- hire ang isang ahensiya ng pamahalan ng mga contractual employees. (Daris Jose)
-
KATHRYN, umaming madaling uminit ang ulo at clingy girlfriend kay DANIEL
NAG–RECONNECT si Kathryn Bernardo sa kanyang mga fans sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog. Nadagdagan na raw kasi ng marami pang fans si Kathryn na gusto siyang makilala at sinagot pa niya ang ilang personal na tanong. Isa sa sinagot ni Kathryn ay kung may nakaaway na ba siyang ibang artista […]
-
Paalala ni PBBM sa Air Force: Keep assets ‘ready’ for deployment
PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Philippine Air Force (PAF) na panatilihin ang lahat ng assets na “ready to go,” binigyang-diin ang mandato nito na maging “first line of defense against external security threats” ng bansa. Ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos ay matapos niyang personal na inspeksyunin ang tatlong recommissioned C-130 units […]
-
PCSO chief Robles, pinagbibitiw
HINIKAYAT ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Mel Robles na magbitiw dahil sa kabiguan umano nitong protektahan ang kabataan, lalo na ang mga bata mula sa e-lotto o online lotto project ng ahensiya. “It is accessible to anyone, even to young children whose […]