• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 pushers kulong sa baril at shabu

Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng baril at P68-K halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Michael Ponayo, 37 at Orwin Callejo, 37, kapwa (watch-listed pusher).

 

Ayon kay Col. Mina, dakong 7 ng gabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa buy-bust operation sa bahay ni Ponayo sa No. 25 Marulas B, Brgy. 36 matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na buyer.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 10 gramo ng shabu na nasa P68,000 ang halaga, buy-bust money, isang cal. AR type 9mm pistol na kargado ng limang bala.

 

Sinabi ni Col. Mina, ang operation ay nagmula sa impormasyon na isiniwalat ng isang drug suspect na naaresto ng mga operatiba ng SDEU sa kanilang dating operation.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at paglabag sa RA 10591. (Richard Mesa)

Other News
  • BFP inirekomenda ang overhauling ng electrical system sa PGH

    INIREKOMENDA  ng Bureau of Fire Proteksyon (BFP) ng pag-overhaul sa electrical system ng Philippine General Hospital.     Kasunod ito sa naganap na sunog sa nasabing pagamutan noong nakaraang linggo.     Balik sa normal operasyon na ang emergency room ng pagamutan matapos na naayos na ang napinsala ng sunog.     Magugunitang itinaas sa […]

  • Sofia, ‘di mawawala o papatayin sa kuwento

    SINIGURADO ng director ng Prima Donnas na si Direk Gina Alajar na kahit na hindi nila nakasama sa lock- in taping ang isa sa tatlong girls ng serye na si Sofia Pablo, hindi ito mawawala o papatayin sa kuwento.   Kaya matutuwa ang mga fans ng Prima Donnas girls.   Ayon kay Direk, “Si Sofia, […]

  • Federer, sa 2021 na magbabalik sa paglalaro ng tennis

    Nagdesisyon si tennis star Roger Federer na hindi muna maglaro ngayong taon matapos na ito ay sumailalim sa operasyon sa kaniyang kanang tuhod.   Kasalukuyan pa kasing nagpapagaling ang 20-time grand slam champion sa knaiyang operasyon na isinagawa noon pang Pebrero.   Sinabi nito na kailangan muna ito ng karagdagang mabilisang arthroscopic procedure sa kaniyang […]