• May 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Federer, sa 2021 na magbabalik sa paglalaro ng tennis

Nagdesisyon si tennis star Roger Federer na hindi muna maglaro ngayong taon matapos na ito ay sumailalim sa operasyon sa kaniyang kanang tuhod.

 

Kasalukuyan pa kasing nagpapagaling ang 20-time grand slam champion sa knaiyang operasyon na isinagawa noon pang Pebrero.

 

Sinabi nito na kailangan muna ito ng karagdagang mabilisang arthroscopic procedure sa kaniyang tuhod para ito ay tuluyan ng 100% na makapaglaro.

 

Tiniyak nito sa kaniyang fans na magiging maganda na ang kaniyang pagbabalik sa 2021 season.

 

Noong 2016 kasi ay hindi ito kakagaling lamang niya sa parehas na injury sa tuhod at pagbalik ng 38-anyos na Swiss tennis star ay nanalo agad ito ng dalawang grand slams.

 

Magugunitang kinansela ang lahat ng mga tennis tournament dahil sa coronavirus pandemic at nakatakda itong ibabalik sa buwan ng Hulyo.

 

Bagamat sa hindi nito paglalaro ay napili pa rin ito ng Forbes na highest-paid athletes sa buong mundo na mayroong mahigit $106.3 million na kita sa isang taon at siya lamang ang tanging tennis player na nanguna sa Forbes lists.

Other News
  • Suplay ng beep cards, kakapusin

    INAASAHANG magno-normalize muli ang suplay ng mga beep cards o  stored-value cards (SVCs) sa unang bahagi ng 2023.     Ito ang inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Rails Cesar Chavez kahapon kasunod nang nakaambang kakulangan ng beep cards.     Ipinaliwanag ni Chavez na ang problema ay dulot ng shortage ng suplay […]

  • Pope Francis, pangungunahan ang 1-mo. global rosary vs COVID-19

    Pangungunahan ni Pope Francis ang global rosary marathon para matigil na ang COVID-19 pandemic.     Ayon sa Pontifical Council for the Promotion of the New Evangelization na mismo ang Santo Papa ang nagdesisyon na pangunahan ang pagdarasal sa buong buwan ng Mayo.     Sisimulan ng Santo Papa ng pagdarasal ng rosary sa Mayo […]

  • 38 porsyentong Pinoy tiwalang gaganda ekonomiya ng bansa – OCTA

    NANINIWALA ang 38% ng mga adult Filipinos na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na anim na buwan.     Base sa non-commissioned survey ng OCTA Research na ginawa noong Disyembre 2023, ang 38% ay mas mataas sa 27% na nagsabing gaganda ang ekonomiya noong October 2023.     Bumaba naman sa 8% noong […]