519.93 metric tons ng mga coins pinaretiro na ng Bangko Sentral ng Pilipinas
- Published on November 4, 2022
- by @peoplesbalita
INIULAT ngayon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) tuluyan na nilang pinaretiro ang nasa 519.93 metric tons ng mga coins.
Ibig sabihin nito ‘yong mga pera o coin na hindi na magagamit dahil sa demonetized, o kaya may sira-sira na.
Tinatawag naman itong defacement process na sinimulan noong October 2021 hanggang nitong nakalipas na September 2022.
Ang naturang mga coins ay ginamitan ng machine at proseso sa pagsira upang hindi na magamit sa sirkulasyon at tuluyang ma-recycle.
Sa mga tinunaw na sira-sirang coins, nasa 70 percent o katumbas ay 364 metric tons ay mga unfit coins, 25 percent o nasa 128 metric tons ang mga napunit, 4 percent o 21 metric tons ay mga counterfeit, habang nasa 1 percent o may bigat na 7 metric tons ang mga demonetized na.
Ang pag-retire sa mga coins na hindi na magagamit ay nakabatay naman sa Republic Act (R.A.) No. 7653.
-
Bagong Omicron variant na Arcturus, hindi dahilan ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 – expert
BINIGYANG linaw ng isang eksperto na hindi ang Omicron subvariant XBB.1.16 o mas kilala bilang Arcturus variant ang dahilan ng muling pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa isang pahayag ay sinabi ng infectious diseases expert na si Dr. Edsel Salvana na walang katotohanan na ito ang dahilan […]
-
PPA net income tumaas ng 3% sa Q1 sa gitna ng pandemya
Inuulat ng Philippine Ports Authority (PPA) na tumaas ang kanilang net income ng 3 percent ng nakaraang First Quarter kahit na may pandemya. Sinabi ni PPA general manager Jay Santiago na umaasa ang kanilang ahensiya na magiging pangunahing taon ito para sa PPA upang makabangon sa masamang epekto ng COVID 19. […]
-
Mas maraming supply ng oxygen kailangan para mapaghandaan ang posibleng Delta COVID-19 surge – Vergeire
Kailangan ng Pilipinas na madamihan ang supply ng oxygen para mas makapaghanda sakali mang magkaroon ng surge dahil sa Delta COVID-19 variant. Nauna nang nagbabala ang DOH na posibleng magkaroon ng isa pang surge makalipas na magkaroon ng 11 local cases ng Delta variant sa Northern Mindanao, Metro Manila, Western Visayas, at Central […]