• January 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

TD ni Curry tunaw sa Heat

NAGSALPAK  si Jimmy Butler ng limang sunod na puntos habang kumamada si Max Strus ng 24 markers sa 116-109 pagsunog ng Heat sa nagdedepensang Golden State Warriors.

 

 

Tumapos si Butler na may 23 points at may 19, 17 at 13 markers sina Bam Adebayo, Duncan Ro­binson at Kyle Lowry, ayon sa pagkakasunod, para sa kanilang regalo sa ika-52 kaarawan ni Miami coach Erik Spoelstra.

 

 

“Huge for our confidence,” sabi ni Strus sa ikatlong panalo ng Heat sa walong laro.

 

 

Nagkaroon si Curry ng pagkakataong maitabla ang Warriors nang ma-foul ni Butler sa kanyang 3-point attempt.

 

 

Ngunit tumawag si Spoelstra ng challenge at matapos ang review ng mga referees ay binawi ang nasabing foul ni Butler kay Curry.

 

 

Sa Phoenix, tumipa si Cam Johnson ng 29 points kasama ang pitong triples sa 116-107 paggupo ng Suns sa Minnesota Timber­wolves.

 

 

Sa New York, humugot si Zach LaVine ng 20 sa kanyang 29 points sa fourth quarter sa paggiya sa Chicago Bulls sa 108-99 panalo sa Brooklyn Nets.

 

 

Bago naman ang laro ay inihayag ng Nets, may 2-6 record ngayon, ang pagsibak kay coach Steve Nash na pinalitan ni Jacque Vaughn.

 

 

Sa Oklahoma City, nagpasabog si Shai Gilgeous-Alexander ng 34 points sa 116-108 pagresbak ng Thunder sa Orlando Magic.

Other News
  • Request sa GMA na pagsamahin uli sa serye: Nabubuong loveteam nina BARBIE at DAVID, tanggap ng mga netizens

    ACCEPTED ng mga netizens ang nabubuong love team nina Barbie Forteza at David Licauco, at sila pa ang nagbuo ng Team FiLay sa historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra.”       Open din sa mga fans ang real love story nina Barbie at sa boyfriend nitong si Jak Roberto. Si David naman ay […]

  • DepEd Sec. Angara babantayan ang anti-bullying policy compliance ng mga paaralan

    Babantayan ni Education Secretary Sonny Angara ang compliance ng mga paaralan pagdating sa pag implimenta ng kanilang anti-bullying policy. Ayon kay Angara, required ang bawat paaralan na magkaroon ng anti-bullying policy. Bagamat hindi sinasabi ng batas kung gaano umano ka istrikto, kinakailangan pa rin na magkaroon ng polisiya hinggil dito. Nabanggit din ni Angara ang […]

  • BIR, umapela sa lahat ng taxpayers na magbayad ng 2019 ITR

    UMAPELA ang Bureau of Internal Revenue (BIR sa lahat ng taxpayers na maghain at magbayad ng kanillang 2019 Income Tax Returns (ITR) bago ang Abril 15, 2020.   Sa economic briefing sa New Executive Building (NEB) ay sinabi ng BIR na ito’y isang friendly reminder sa lahat ng taxpayers para makaiwas sa rush at online […]