• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinsala, pagkalugi sa agri dahil kay Paeng, pumalo na sa P2.74 bilyong piso

UMABOT na sa P2.74 bilyong piso ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dahil kay Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae). 
Sinabi ng Department of Agriculture (DA), nakasaad sa data na ipinalabas ng  Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center ng departamento na P2.74 bilyong piso “as of 5 p.m.” araw ng Miyerkules, Nobyembre 2 ay tumaas mula sa P1.33 bilyong piso “as of Monday afternoon.”
Sakop ng latest bulletin ang 82,830 ektarya ng  agricultural areas sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at Soccsksargen.
“This translated into a production loss volume of 111,831 metric tons of commodities such as rice, corn, and high value crops, impacting some 74,944 farmers and fishers.
Most of the damage was seen in rice, with a volume loss of 95,694 metric tons equivalent to P1.71 billion,” ayon sa report ng DA.
“This was followed by high value crops worth P555.4 million, fisheries worth P201.64 million, corn worth P135.4 million, livestock and poultry worth P9.49 million, cassava with P4,220,” ayon pa rin sa report.
Ang  pinsala naman sa agricultural infrastructures  ay umabot na sa P133 milyong piso, sakop ang iba’t ibang laboratoryo at crop protection centers, irrigation systems, water impounding projects, at diversion dams.
Ang  pinsala naman sa machineries at equipment ay sinasabing umabot na sa  P235,000,  kabilang na ang hand tractors at vermi beds.
Sinabi pa ng DA na ang tulong ay available para sa distribusyon sa mga apektadong magsasaka at mangingisda, kabilang ang bigas, mais at assorted na  vegetable seeds, at gamot para sa livestock at poultry.
Sinabi pa ng departamento na ang  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay mayroong fingerlings at tulong na ibibigay sa mga apektadong mangingisda.
Ang mga apektado aniya ay maaaring mag- avail ng  P25,000 loan mula sa Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC), kasama ang Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar. (Daris Jose)
Other News
  • Gadgets na inisyu sa mga guro, ‘di binabawi ng DepEd

    PINABULAANAN  ng Department of Education (DepEd) sa National Capital Region (NCR) na inutusan nila ang mga guro na ibalik ang mga ibinigay nilang gadgets para sa distance learning.     Ito ang inihayag ni DepEd Spokesman Michael Poa bilang reaksyon sa pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na nagsabing  ipinababalik nila (DepEd) ang mga […]

  • Lahat ng sementeryo at Columbarium sa bansa, sarado – Malakanyang

    TINIYAK ng Malakanyang na sarado ang lahat ng sementeryo ng bansa simula Oktubre  29 hanggang Nobyembre  4 para maiwasan ang  pagdagsa at pagsisiksikan ng tao sa All Souls Day.   Ang Columbarium ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay sarado rin sa nasabing panahon.   Ang pansamantalang pagsasara ng lahat ng sementeryo sa All Souls’ Day, […]

  • BEBOT PATAY, 1 SUGATAN SA LOOB NG MANILA NORTH CEMETERY

    PATAY ang isang 33-anyos na dalaga nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng Manila North Cemetery habang sugatan din ang kasamahan nito, Martes ng hapon.     Kinilala ang nasawi na si Marivic Quiso y Reyes, alyas Bechay, ng 78 Maria Clara St., Banawe,Quezon City.     Inoobserbahan naman sa Jose Reyes […]